?>

Ang Irish MEP ay Tinatawag ang Israel na Isang Apartheid na Estado

Ang Irish MEP ay Tinatawag ang Israel na Isang Apartheid na Estado

Bilang katugunan sa Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu, sino nagpahayag na ang Israel bilang "isang demokratikong estado," kasapi ng Konggrego ng Uropa tinatawag ang rehimen na isang "apartheid na estado," na kung saan hindi alinsunod sa batas na sinakop sa mga lupain ng Palestino at Syriano at nakikibahagi sa maraming pagpatay ng mga tao laban sa mga Palestino.

Ayon sa ABNA News Agency, "Kapag sinisiyasat ng Hukuman ng Kriminal na Pandaigdigan (ICC) ang Israel para sa pekeng mga krimen ng giyera, ito ay ganap na laban sa Semitismo," sinabi ni Netanyahu noong Sabado, isang araw matapos magpasya ang ICC na mayroong kapangyarihan upang buksan ang isang pagsisiyasat sa mga krimen sa digmaan laban sa Israel.

Sa isang tweet pagkatpos sa araw, sinabi ni Mick Wallace, may-kasarinlan na kasapi na Irish ng Parlamentong Uropa [Euopean Parliament (EP)], na ang Israel ay "isang apartheid na estado" sa halip na isang demokratiko, iniulat ng Press TV.

Si Wallace, isang matapang na kasapi ng EP, ay itinuligsa din ang Israel bilang isang "walang batas na estado", na saan hindi alinsunod sa batas na sinasakop ang Palestine at Golan Heights, at lubos na hindi pinapansin ang pandaigdigang batas habang binobomba nito ang Syria "sa kung anuman na panahon na nais nito."

"Ang Israel ay hindi isang Demokratikong Estado, ito ay isang Apartheid na Estado, na alin nakikibahagi sa Pagpuksa ng maraming mga tao laban sa mga Palestino. Ito ay labag sa batas na sinasakop ang Palestine at Golan Heights - At lubos na hindi pinapansin ang Pandaigdigang Batas habang binobomba nito ang Syria sa anumang panahon nan ais nito. Israel ay isang walang batas na Estado .... https://t.co/Zscwjt8ANw

- Mick Wallace (@wallacemick) Pebrero 6, 2021”

Sa isang pahayag na inilabas noong Biyernes, sinabi ng ICC na mayroon itong kapangyarihan sa Palestine, ang hakbang na nilinaw ng punong piskal nito upang siyasatin ang mga hinihinalang kabangisan sa kabila ng malakas na pagtutol ng rehimeng Israel.

Nilinaw ng mga hukom ng ICC na ang hukuman ay hindi kumukuha ng paninindigan sa anumang mga hindi pagkakasundo sa hangganan, ngunit idinagdag na ang kapangyarihan ng hukuman na pinalawak "sa mga lupa na sinakop ng Israel mula pa noong 1967, lalo na ang Gaza at Kanlurang Hangganan (West Bank), kasama na ang Silangang Jerusalem."

Malugod na tinanggap ng pamahalaan ng Palestino ang bagong pagpapasya, pinupuri ito bilang tagumpay para sa hustisya, sangkatauhan at kalayaan, at nagpahayag ng kahandaang makipagtulungan sa tagausig ng ICC kung may ilulunsad na pagsusuri.

Ang kilusang paglaban ng Palestino na Hamas ay binati din nito bilang isang hakbang upang suportahan ang mga karapatan ng mga Palestino, sa pagsasalita na ang rehimeng Israeli ay patuloy na nagsasagawa ng "pag-ayos na teror" laban sa mga Palestinio samantala ang pandaigdigang pamayanan ay nanatiling tahimik.

Sinakop ng Israel ang Silangang Jerusalem al-Quds, Kanlurang Hangganan (West Bank) at ang Gaza Strip - ang mga lupain na nais ng mga Palestino para sa kanilang hinaharap na estado - noong 1967. Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 700,000 na mga Israel ang naninirahan sa higit sa 230 na mga labag sa batas na mga pamahayan na itinayo sa Kanlurang Hangganan (West Bank) at Silangang Jerusalem al- Quds.

Binanggit ang Panukala ng Pagtitipon na Pangkalahatan nh UN 67/19, sinabi ng ICC na ang panukala ay muling pinagtibay ang karapatan ng mga mamamayang Palestino sa pagpapasya sa sarili at sa kalayaan sa kanilang Estado ng Palestine sa lupain ng Palestino na sinakop mula noong 1967.

Ang Israel ay hindi kasapi ng ICC, ngunit pinayagan ang Palestine na sumali noong 2015 at mula noon ay nanawagan para sa isang pagsisiyasat sa mga krimen ng Israel. Nagtalo ang rehimen sa Tel Aviv na dahil ang Palestine ay hindi isang ganap na estado, hindi ito pinapayagan na magpetisyon sa hukuman.

Sa pahayag noong Biyernes, tinanggihan ng ICC ang pangatwiran ng Israel, na nagsasaad na ang Palestine ay may "karapatang tratuhin bilang anumang ibang partido ng estado" sa batas nito.

Si Netanyahu at dating Pangulo ng US na si Donald Trump ay kabilang sa pinakamabangis na mga manunuri ng ICC sa nagdaang mga taon. Pinatibay ng poot ni Trump tungo sa ICC, nanawagan ang punong ministro ng Israel para sa mga parusa laban sa hukuman noong 2020.

342/


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*