?>

Ang Kapisanan ng Kuwait ay Tumutulong sa mga Hindi-Muslim na Malaman ang Banal na Propeta (SKNK)

Ang Kapisanan ng Kuwait ay Tumutulong sa mga Hindi-Muslim na Malaman ang Banal na Propeta (SKNK)

Ang Komite ng Pagpapalaganap sa Onlayn na kaakibat sa Samahang ng Kawanggawa na Al-Najat ng Kuwait ay naglunsad ng isang plano upang ipakilala ang Banal na Propeta (SKNK) sa mga hindi Muslim sa kalawakan ng himpapawid.

Ayon sa ABNA News Agency, Alinsunod sa pahayagang Al-Anba, sinabi ni Abdullah Aldosari, direktor ng komite, na ang pagpapakilala sa Propeta ng Islam at Kasaysayan ng Buhay ng Propeta [Nabawi Sīrah] ang pangunahing layunin ng komite sa lahat ng mga aktibidad nito.

Sinabi niya na ang komite ay naglunsad ng isang espesyal na pahina para sa pagpapakilala sa Banal na Propeta (SKNK) sa limang natatanging mga website para sa magkakaibang pananampalataya na dayalogo.

Binigyang diin sa mga pahina na si Propeta Mohammad (SKNK) ay hindi isang karaniwang tao, ngunit isa sa banal na mga propeta ay pambihirang tao na pinili ng Diyos at dapat igalang talaga, dagdag niya.

Sinabi ni Aldosari na nagplano din ang komite na maglunsad ng isang onlayn komprehensibong aklatang Islamiko na alin isasama ang natatanging mga pahina na nagtatampok ng Tradisyon ng Propeta [Nabawi Sunnah] at mga aklat tungkol sa Banal na Propeta (SKNK) na isinalin sa iba't ibang mga wika.

Naglathala din ito ng mga kard na digital sa WhatsApp na nagpapakilala sa Banal na Propeta (SKNK) at sa kanyang Kasaysayan sa Buhay [Sīrah], sabi niya.

Idinagdag pa niya na nagplano din ang komite na gumawa ng mga klip na video na nililinaw ang katayuan ng Banal na Propeta (SKNP) sa mga hindi Muslim at sa Kanluran.

342/


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*