?>

Ang mga Nanalo ng Kumpetisyon sa Qur’an ay Iginawad sa Burundi

Ang mga Nanalo ng Kumpetisyon sa Qur’an ay Iginawad sa Burundi

Ang mga nangungunang kalahok ng pambansang kumpetisyon sa pagsasaulo ng Qur’an sa Burundi ay iginawad sa isang seremonya sa Gitega, ang kapital.

Ayon sa ABNA News Agency, Ang kumpetisyon ay inayos ng Samahang Pandaigdigan ng Qur’an at Sunnah na kaakibat ng Samahang Pandaigdigan ng Muslim sa pakikipagtulungan sa Samahan ng Kawanggawa sa Pagsasanay at Pagtataguyod, iniulat ng website ng ioqas.org.sa.

Ayon kay Sheikh Khalid Abdulkafi, pangalawa na kalihim heneral ng samahan, ang mga kategoriya ng kumpetisyon ay kasama ang pagsasaulo ng buong Qur’an at pagsasaulo ng 15, 10 at 5 mga Juz (mga bahagi) ng Qur’an.

Ang ilang 50 na batang mga babae at mga lalaki mula sa iba't ibang bahagi ng bansa sa Aprica ay lumahok sa pambansang kumpetisyon ng Qur’an, na ginanap sa Kagawaran ng Medisina sa Bujumbura.

Ang Sentro ng Islamikong Pangkultura sa lungsod ay punong-abala sa seremonya ng paggawad noong Miyerkules. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Burundi, mga direktor ng mga sentrong Islamiko at mga imam ng mga moske.

Ang mga nagsasalita sa seremonya ay napag-usapan ang tungkol sa mga kabutihan ng pagsasaulo ng Qur’an at ang kahalagahan ng paggawa sa mga turo ng Qur’an.

Ang Republika ng Burundi ay napaligiran ng lupa (na walang dagat) na bansa kahit na nandoon sa gitna ng rehiyon sa Malaking mga Lawa ng Aprikano kung saan nagsasama-sama ang Silangan at Gitna ng Aprika.

Ang Islam ay isang relihiyon na minorya sa Burundi kung saan humigit-kumulang na 90 porsyento ng pambansang mamamayan ang mga tagasunod ng Kristiyanismo. Ilang limang porsyento ng mamamayan ang kinikilala bilang Muslim, alinsunod sa isang pagtatantya noong 2010.

.......
340


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*