?>

Ang mga Seremonya ng Pagdadalamhati ng Muharram Nagsimula sa Nigeria

Ang mga Seremonya ng Pagdadalamhati ng Muharram Nagsimula sa Nigeria

Tulad ng mga Shia na mga Muslim sa ibang lugar sa mundo, nagsimula na magsagawa ang Nigeriano na mga Shia ng mga seremonya upang magdalamhati sa pagdiriwang ng kabayanihan ni Imam Husayn (s.k.n.k.) noong 680 A.D. sa labanan ng Karbala.

Ayon sa ABNA News Agency, Sa kabila ng paghihigpit ng hukbong Nigeriano at mga puwersang pangseguridad sa mga Shia at mga tagasuporta ng matataas na kleriko na si Sheikh Ibrahim al-Zakzaky, inayos nila ang mga seremonya tulad ng mga nakaraang taon.

Ang mga rituwal ng pagdadalamhati ay magpapatuloy hanggang sa ikasampung araw ng Muharram, na kilala bilang Ashura.

Sa mga seremonya, pinalo ng mga nagdadalamhati ang kanilang dibdib at nagbigkas ng mga tula ng malungkot.

Si Yusuf Hassani, isang tagasuporta ni Sheikh Zakzaky, ay naglathala sa online sa mga sumusunod na larawan ng mga rituwal sa Abuja, ang kabisera ng Nigeria.

Ang Muharram ay ang unang buwan sa kalendaryong lunar ng Hijri.

Ang Shia na mga Muslim at iba pa sa iba't ibang bahagi ng mundo ay nagsasagawa ng mga seremonya sa bawat taon sa buwan ng Muharram upang magdalamhati sa pagdiriwang ng kabayanihan ni Imam Husayn (s.k.n.k.) at sa kanyang mga kasamahan.

Ang pangatlong Shia Imam (s.k.n.k.) at isang maliit na pangkat ng kanyang mga tagasunod at mga kasapi ng pamilya ay pinatay ng mga mapang-api ng kanyang panahon - si Yazid ibn Mu’awiya, sa labanan ng Karbala sa ika-sampung araw ng Muharram (kilala bilang Ashura) sa taon 680 AD.

Ngayong taon, nagsimula ang Muharram sa Linggo, Setyembre 1.

......
340


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*