?>

Ang mga sinabi ni Imam Khamenei ay makikita sa world media

Ang mga sinabi ni Imam Khamenei ay makikita sa world media


Ang mga sinabi ni Imam Khamenei ay mapapanood sa world media.
Ang pananalita ng Pinuno ng Iran sa okasyon ng pagsisimula ng bagong taon ay napapanood sa media ng mundo, at sa partikular, ang talumpati ni Ayatollah Khamenei tungkol sa JCPOA ay sakop ng Western media.



Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (as) ABNA News Report Agency: Ang pananalita ng Pinuno ng Iran sa okasyon ng pagsisimula ng bagong taon ay kung saan makikita sa pandaigdigang media, at partikular na sa kaniyang talumpati ni Ayatollah Khamenei tungkol sa JCPOA ay kung saan sakop ito ahat ng Western media.

Ang Leader ng Iraniang Islamikong Rebolusyon ay nagsalita nang direkta at di'-direkta sa mga marangal na tao sa loob at labas ng Iran sa unang araw ng Bagong Persianong Taon, at tulad ng nakagawian, ang mga bahagi ng kanyang mga sinabi ay sakop ng mga media sa buong mundo.

Sumangguni sa bahaging ito ng mga pahayag ni Ayatollah Khamenei, na ang Iran ay hindi nagmamadali sa ipinanukalang solusyon sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), ang website ng Bloomberg News ay nag-ulat: "Binalaan din ng pinuno ng Iran ang Estados Unidos na ang kasalukuyang patakaran patungo sa Islamikang Republika, ay tiyak mapapahamak sila sa kabiguan maliban na lamang kung ang mga parusa (sanctions) ay mabisa at ganap na matatanggal."

"Huwag natin dapat sayangin ang mga oportunidad, ngunit hindi rin tayong dapat magmadali," pahayag ng Leadrer sa Iraniang network. "Matiyaga ang Iran at ipagpapatuloy namin ang aming gawain. Kung tatanggapin at ipatutupad nila ang aming ninanais na patakaran, magiging maayos ang lahat. Kung hindi, malamang mananatili itong katulad din nito."

Sumangguni sa mga salita ng Pinuno ng Iran, tungkol sa pagbabalik sa mga pangako ng JCPOA, isinulat ng Bloomberg: "Ipinahiwatig na ang mga salita at pangako ng Washington ay walang halaga para sa Tehran, sinabi ng pinuno ng Iran na ang isyu ay hindi kung sino ang mauuna, ang isyu ay nagtitiwala kami ang mga Amerikano at natupad ang mga pangako sa kasunduang nukleyar, ngunit sila ang hindi sumunod sa kanilang mga pangako."

Tinukoy din ng Reuters, na may isang bahag sinabi ng Pinuno ng Iran, iyon ay tungkol sa paglabag ng EStados Unidos sa JCPOA: "Inihayag na rin ni Ayatollah Seyyid Ali Khamenei, sa isang pahayag sa telebisyon na sinabi niya na mga Amerikano sa papel na tatanggalin daw nila ang mga parusa (sanctions), ngunit sa pagsasagawa, hindi nila ipinakita bagkus ito ay binawi pa ang mga parusa (sanctions). Kaya ang kanilang mga pangako ay wala nang halaga para sa Iran."

"Ang diin din ng Pinuno ng Iran sa pag-aangat ng mga parusa ay sinipi ng Reuters na sinasabi:" Dapat iangat ng mga Amerikano ang lahat ng mga parusa (sanctions). Susuriin namin at kung talagang aalisin ba nila ang mga parusa nito, babalik kami sa aming mga pangako nang wala."

Ang espesyal ay pansin din ng AFP sa mga sinabi ng Pinuno ng Iran hinggil sa pag-aalis ng mga parusa (sanctions): "Sumangguni sa JCPOA, sinabi ni Ayatollah seyyid Ali Khamenei, na ang patakaran ng bansa sa mga partido ng JCPOA at ang kasunduang nukleyar mismo ay malinaw. Kaya kinakailangan talaga nito na iangat ng mga Amerikano ang mga parusa, at pagkatapos nito ay mapatunayan namin sa kanila na seryoso sila, at kung talagang aalisin nila ang mga parusa, sa panahon na iyon, kami ay babalik sa aming mga obligasyon.

........................................


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*