?>

Ang Pagpanaw ni Ayatollah Muhammad Taqi Misbah Yazdi

Ang Pagpanaw ni Ayatollah Muhammad Taqi Misbah Yazdi


Ang pagpanaw ni Ayatollah Muhammad Taqi Misbah Yazdi. Mula sa tanggapan ng Islamikang seminaryo, si Ayatollah Muhammad Taqi Misbah Yazdi, ay kung saan inihayag ang pagpanaw ng isang pilosopo at mujahid nito, noong Biyernes ng hapon, sa edad ng 86 taong gulang.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA NEWS REPORT: Mula sa Opisina ng Islamikang Senaryo, na kung saan inanunsyo ang pagka-yumaong ng isang prominente at mahalagang propesor sa Islamikang Howza, sa Unibersidad at sa Islamikang Pamahaaan ng Iran. Si Ayatollah Mohammad Taqi Mesbah Yazdi, tungkol sa pagpanaw ng isang pilosopo na ito at Majahid nito noong Biyernes ng hapon, sa edad ng 86 taong gulang.

Noong Huwebes, inihayag na din ng tanggapan ni Ayatollah Muhammad Taqi Misbah Yazdi, na kung saan lumala na talaga ang kanyang kondisyon pagdating sa kaniyang kalusugan.

Si Ayatollah Misbah Yazdi, ay naka-admit sa isang ospital sa Tehran ng ilang araw na ang nakakaraan, upang masundan lamang ang kaniyang paggamot ng isang sakit na dinanas niya nang mahabang panahon sa digestive system.

Ang kanyang talambuhay:

Ang Kanyang Katanyagang Sheikh Muhammad Taqi Mesbah Yazdi, ay ipinanganak sa taong 1313 AH (1935 AD) sa sentral lungsod ng Yazd (sa gitna ng bansa).

Naglakbay at nagsapalaran siya sa Najaf upang makumpleto niya ang Islamikang pag-aaral sa mga agham ng Islam, at dahil din sa kahirapan sa pananalapi sa panahong iyon, kailangan niyang lumipat sa banal na lungsod ng Qom, pagkalipas ng isang taon.

Nakilahok din siya sa mga aralin ni Dateng Yumaong Imam Khomeini (nawa’y gawing banal ang kanyang paglakbay), at kasabay nito ay nakatanggap siya ng mga aralin sa pagbibigay kahulugan sa Banal na Qur'an, pagpapagaling Agham ni Ibn Sina, at sa mga paglalakbay ng mga hindi nagmula sa mga kamay ni Allama Tabatabai (nawa’y magkaroon ng awa ang Diyos sa kanya). Dumalo rin siya sa mga aralin sa Islakang Hurisprudensya, ni Ayatollah Bahjat (Nawa'y kaawan siya Diyos) sa loob ng 15 taon.

Natapos din niya ang mga aralin ni Dating Yumaong Imam Khomeini (nawa’y pahingahan ng Diyos ang kanyang kaluluwa) ay kung saan tumigil siya dahil sa kanyang pagkatapon sa labas ng Iran, ang kanyang kadakilaan ay maraming siyang nagawang kontribusyon sa mga pag-aaral sa mga pagsisiyasat sa lipunan ng Islam, kasama na ang pag-aaral ng jihad, pati na rin ang hudikatura at ang pamahalaang Islam.

Ang kanyang Kabantugan, ay mayroon ding siya isang aktibong presensya sa arena ng komprontasyon sa dating rehimeng Pahlavi kinatawan ng kooperasyon kasama niya si SShaheed Beheshti, si martir Qudusi at si Yumaong Ayatollah Sheikh Rafsanjani, at habang inilabas niya ang dalawang publikasyon (The Mission) at (The Revenge) hanggang sa napalabas niya ang mga isyu sa pag-print at pamamahagi para sa ikalawang edisyon na mga libro.

Kasama din niya si Ayatollah Jannati, si Shaheed Beheshti, at si Shaheed Qudosi, pinatakbo niya ang Al-Muntazira School of Religious Science sa sagradong syudad ng Qom at nakapagbigay talaga ito ng mga aralin sa pilosopiya, etika, at mga kategoryang Quranika sa loob ng (10) taon.

Matapos ang tagumpay ng dakilang rebolusyon ng Islam sa Iran, at dahil suportado siya at pampatibay siya ni Yumaong Imam Khomeini (nawa’y kalugdan siya ng Diyos), nagtatag siya ng maraming mga paaralan at institusyon, ang pinakamahalaga dito ay ang Kagawaran ng Edukasyon ng at-Tareeq Al-Haq Foundation at ang Baqer Al-Ulum Foundation (as).

Ang namayapang Ayatollah Mesbah Yazdi, ay kung saan pinamunuan niya ang kataas-taasang katawan ng Ahlul-Bayt (AS) International Council sa loob ng 15 taon.

Pinamunuan din niya ang Imam Khomeini Foundation (nawa’y pahingahan ng Diyos ang kanyang kaluluwa sa kapayapaan) para sa edukasyon at pang-agham na pagsasaliksik sa banal na Lungsod ng Qom, na hinirang ang kaniyang Katanyagan, ni Pinuno ng Islamikang Rebolusyon.

Noong 1369 AH (1990AD), siya ay inihalal ng bilang isang kinatawan ng lalawigan ng Khuzestan sa Assembly of Experts of Leadership, at siya din ay nahalal bilang isang kinatawan para sa mga tao ng Tehran sa nabanggit na konseho.

Marami siyang mga libro at ang kaniyang libro ay patungkol sa pilosopiya ng Islam, paghahambing, teolohiya, etika at paniniwala sa Islam at iba pa...

.................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*