?>

Ang Qur’anikong Samahan ng Egypt Nagpawala ng Karapatan sa Isang Qari Dahil sa Pag-aalipusta na Salita Tungkol kay Abdul Basit

Ang Qur’anikong Samahan ng Egypt Nagpawala ng Karapatan sa Isang Qari Dahil sa Pag-aalipusta na Salita Tungkol kay Abdul Basit

Ang Samahan ng mga Mambabasa at mga Magsasaulo ng Qur’an sa Egypt sinuspinde sa pagiging kasapi ng isang Qari dahil sa pag-insulto sa iilan sa mga nangungunang mga mambabasa ng Qur’an ng bansa katulad ni Abdul Basit Abdul Samad.

Ayon sa ABNA News Agency, Ang tagapagsalita ng samahan na si Mohamed al-Saati, ay nagsabi na ang mga pahayag ni Salah al-Jamal kung saan tinawag niya ang kanyang sarili bilang "numero uno" at nagsalita ng walang-galang tungkol sa nasabing iginagalang na mga Qari katulad nina Abdul Basit at Sehikh Mustafa Ismail na humantong sa pagkabigo sa mga kasapi.

Ikinalulungkot ng samahan ang naturang pag-uugali at suspindihin ang pagiging miyembro ni al-Jamal, idinagdag niya, ayon sa website ng youm7.com.

Dagdag pa niya na tinatanggap din ng samahan ang hakbang ng Unyon ng TV at Radyo na mga Himpilan upang magpawala ng karapatan kay al-Jamal bilang isang Qari.

Ang Egypt ay isang bansa sa Hilagang Aprika na may mamamayan na halos 96 milyon.

Ang mga Muslim ay humigit-kumulang sa 90 porsyento ng kabuuang mamamayan ng bansa.

Karaniwan ang mga gawaing Qur’aniko sa nanakarami na Muslim na bansang Arabo at marami sa nangungunang mga Qari sa mundo ng mga Muslim sa nakaraan at kasalukuyan ay naging Egyptiano.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*