?>

Ang Shaheed Soleimani School ay mananatiling walang katapusan at hindi mapapatay ng isang missile o isang bala

  Ang Shaheed Soleimani School ay mananatiling walang katapusan at hindi mapapatay ng isang missile o isang bala



Ang Shaheed Soleimani School ay mananatiling walang katapusan at hindi mapapatay ng isang missile o isang bala. Ang talumpati ni Pangulong Ayatollah Raesi, sa okasyon ng ikalawang anibersaryo ng mga martir na sina Qassem Soleimani at si Abu Mahdi Al-Muhandis, sinabi ni Pangulong Ibrahim Raisi, ang martir na si Shaheed Qassem Soleimani ay isang paaralan ng mga dakilang sakripisyo upang ipagtanggol ang sariling bayan.



Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency: Si Pangulong Ayatollah Ibrahim Raesi, noong Lunes kahapon, sinabi niya, na ang paaralan Shaheed Solaimani ay mananatiling walang kamatayang martir na tumutukoy kay Soleimani at magpakailanman hindi na ito mapipigilan ng mga kaaaway nito, gaya ng isang missile o isang bala o isang mortar shell.

Sa isang talumpati sa okasyon ng ikalawang anibersaryo ng mga martir na sina Qassem Soleimani at si Abu Mahdi Al-Muhandis, sinabi ni Pangulong Ibrahim Raisi, na ang martir na si Qassem Soleimani ay isa mga paaralan ng mga dakilang sakripisyo upang ipagtanggol ang sariling bayan.

Idinagdag pa niya: Ang Martir Soleimani School ay isang mananatiling walang-hinto at hindi basta-basat matigil ng mga kaaway, gaya ng isang misayl, bala o mortar, na binabanggit pa niya, na ang Shaheed Soleimani School ay walang alam tungkol sa pakikipagkasundo sa mga kaaway, bagkus ay dalubhasa sa paglaban at pagpapalaya sa mga inagaw na lupain.

Nagpatuloy si Raisi: Ang Martir Soleimani Iskul ay isang kultura, isang paaralan mismo, at isang buong bansa. Aniya, ang diskarte ni Martir Soleimani dito ay upang itulak ang kasamaan ng mga aggressor sa ngalan ng mga tao sa rehiyon at ipagtanggol sila.

Ipinahiwatig pa ni Raisi, na ang mga Shaheed na si Hajj Qassem Soleimani at si Abu Mahd al-Muhandis ay hindi kumbinsido sa status quo, ngunit sa halip ay nagtatrabaho sila batay sa isang rebolusyonaryong pananaw, na humantong sa pagbuo ng pandaigdigang pandirigma.

Idinagdag pa ni Raisi: Ang paaralan ni Hajj Soleimani ay upang harapin ang mga kaaway at isakripisyo ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang mga mammayan sa loob ng mga rehiyon, at siya ay isa siyang pinaka-mahusay na pinuno ng militar at pampulitika sa larangan ng Jihad.

Inutusan pa ni Pangulong Ebrahim Raisi, ang mga pinuno ng Estados Unidos sa pagsasabing ipaghihiganti ng dakilang mamamayang Iran ang kanilang pinuno, si Shaheed Qassem Soleimani, si Abu Mahdi at ng mga kasamahan nito.

.....................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*