?>

Ang sitwasyon ng mga migrante sa hangganan ng Belarusian-Polish ay sakuna + (mga larawan)

Ang sitwasyon ng mga migrante sa hangganan ng Belarusian-Polish ay sakuna + (mga larawan)



Ang sitwasyon ay nagiging mas mahirap dahil sa lumalalang kondisyon ng panahon sa lugar at ang temperatura pagdating sa gabi ay bumababa sa hanggang sa umabot pa ng zero. Ipinunto nila na mayroong malaking bilang ng mga kababaihan at mga batang mga migrante, na karamihan sa kanila ay walang anumang maiinit na damit.


Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency: Sinabi ng RT reporter na balita, si Sargon, na kasalukuyang nasa Belarusian-Polish na hangganan sa ngayon ang sitwasyon sa lugar ng mga pulutong ng libu-libong mga migrante ay nasa ilalim ng sakuna, na tumutukoy sa mga kakulangan ng tubig, pagkain at mga kinakailangan pang mga gamit.

Sinabi ng reporter, na lalong nagiging mahirap ang sitwasyon dahil sa lumalalang kondisyon ng panahon sa lugar at bumababa daw ito hanggang sa zero ang temperatura pagdating sa gabi. Ipinunto naman niya, na mayroong malaking bilang ng mga kababaihan at mga bata kabilang sa mga migrante, na karamihan sa kanila ay walang anumang maiinit na damit.

Idinagdag pa niya, na ang mga awtoridad ng Belarus, kabilang na ang Belarus Red Cross, ay kasalukuyang namamahagi ng pagkain, tubig at iba pang tulong sa mga refugee. Nakatayo rin ang mga ambulansya sa lugar upang magbigay ng kinakailangang tulong pang-medikal sa kanila.

Nabanggit din niya, na ang mga hakbang sa seguridad sa sa bahagi ng Polish na lugar na ito sa hangganan ay napakahigpit naman sa kasalukuyan.

Ang Poland naman ay namahagi ng mga armored vehicle at security men sa hangganan nito sa Belarus upang maiwasan ang pagpasok ng mga migrante sa teritoryo nito, lalo na sa likod ng daan-daang mga pagtatangka na labagin ang mga hangganan nito katulad ng mga nangyayari kagabi.

Sinipi din ng reporter, ang mga refugees daw, na may bilang na mahigit-kumulang ng dalawang libo hanggang sa tatlong libo, na hindi nila nilayon na umatras at umalis mula sa lugar na ito, na binibigyang-diin din nila na ayaw nilang manatili sa Poland, ngunit sa halip ay nilayon nilang dumaan sa teritoryo nito patungo sa ibang mga bansa kagaya ng Europa.



Sinabi din niya, na karamihan sa mga refugee ay mula pa sa Iraqi Kurdistan at Syria ay sumang-ayon sa mahal at mahirap na paglalakbay nito dahil sa masamang kondisyon sa kanilang mga nasamsam sa lugar na pansamantalang tinitirihan nila, at pumunta sila sa mga bansang katulad ng Europa para maghanap ng kaligtasan at upang matiyak na rin ang isang disenteng buhay para sa kanilang mga anak at pamilya, lalo na't ang mga bansang kanilang pinupuntahan ay nag-ambag, sa kanilang palagay, sa pagkasira ng mga pasilidad at imprastraktura sa kanilang mga bansa.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*