?>

Ang Sugo ng Islamikong Jihad ay Binigyang Diin ang Ginagampanan ni Hen. Soleimani sa Pagkakaisa ng mga Kilusang Paglaban

Ang Sugo ng Islamikong Jihad ay Binigyang Diin ang Ginagampanan ni Hen. Soleimani sa Pagkakaisa ng mga Kilusang Paglaban

Ang kinatawan ng kilusang Islamikong Jihad ng Palestino sa Iran ay nagbigay diin sa papel na ginampanan ng komandante na Iraniano na si Teneyente Heneral Qassem Soleimani na dinala sa paglikha at pagpapalakas ng pagkakaisa sa pagitan ng mga pangkat ng paglaban na Palestino.

Ayon sa ABNA News Agency, Sinabi ni Nasser Abu Sharif na ang papel na ginagampanan ng bayaning heneral ay pangunahing kadahilanan sa pagkakaisa ng mga puwersa ng paglaban, iniulat ng Iranpress.

Kung hindi dahil sa Islamikong Republika ng Iran at ni Hajj Qassem, ang mga puwersang paglaban ay walang kakayahan na tumayo sa pakiglaban sa mga pagsalakay at mga paglusob ngayon ng Zionista at US, idinagdag niya.

Salamat sa pananampalataya, pagpupumilit at pagpaplano ni Heneral Soleimani, nakita ang paglago at pag-unlad ng Gaza Strip at ang paglaban ng Palestino ay maaari nang tumayo laban sa pinakamalaking mga pagsalakay ng rehimeng Zionista at kahit na ang pagpuntarya ng kaaway na Zionista, sinabi ni Abu Sharif.

Si Tenyenteng Heneral Soleimani, ang komandante ng Puwersang Quds ng Islamic Revolution Guards Corps (IRGC) ng Iran, at ang kanyang kasama sa hukay na Iraqi na si Abu Mahdi al-Muhandis, ang kinatawan na pinuno ng Popular Mobilization Units, ay pinatay kasama ang kanilang mga kasamahan sa pag-atake ng isang teror na drone ng US na pinahintulutan ni Trump malapit sa Paliparang Pandaigdigan ng Baghdad noong Enero 3, 2020.

Ang parehong mga komandante ay hinahangaan ng mga bansang Muslim para sa kanilang tungkulin na ginagampanan sa pag-aalis ng pangkat na terorista na Daesh Takfiri na ang punong-abala ay ang US sa rehiyon, lalong lalo na sa Iraq at Syria pati na rin ang Palestine.

342/


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*