?>

Arbaeen Imam Hussein (as) sa taong 2021

Ang mga programa para sa Arbaeen ay opisyal na magsimula sa Iran nitong Hulyo 19. Ang mga programa at aktibidad na nauugnay sa taon-taong martsa ng Arbaeen, ay opisyal na sisimulan sa Iran sa Hulyo 19, sinabi ng isang opisyal.

 

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Report Agency: Ang mga programa at aktibidad na nauugnay sa bawat taong Arbaeen martsa, ay opisyal na magsisimula sa Iran sa Hulyo 19, sinabi ng isang opisyal.

Si Hojat-ol-Islam Hamid Ahmadi, pinuno ng Komite sa Kultura at Pang-edukasyon ng Punong Arbaeen, ay nagsabi sa IQNA News Agency, na maraming mga hindi opisyal na aktibidad na nauugnay sa bawat taong kaganapan ay nagsimula na.

Idinagdag pa niya, na may mga pumplets na naglalaman ng mga materyal na pang-edukasyon, kasama na dito ang tungkol sa mga isyu sa kalusugan at rekomendasyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ay inihahanda na sa pakikipagtulungan sa Health Ministry at sa Iranian Red Crescent Society, na ibibigay ito sa mga Arbaeen na peregrino magpunta sa Karbala, Iraq.

Sinabi ng Kleriko, na magkakaroon din ng mga materyal na pang-edukasyon na nauugnay sa mga isyu sa seguridad at sa mga isyu sa kultura.



Ang Arbaeen, na kung saan ay isa sa pinakamalaking mga pagtitipon ng relihiyon sa buong mundo, ay dumating ika-40 araw pagkatapos ng Ashura, ang anibersaryo ng pagiging martir ng pangatlong Shia Imam ng Ahlul-Bayt (AS), siya'y si Imam Hussein Ibn Ali (as).

Bawat taon, magkaroon ng isang malaking pulutong ng mga Shia's Muslim sa mundo ang dumadapo sa lungsod ng Karbala, sa Iraq, kung saan matatagpuan ang banal na dambana ni Imam Hussein (as), upang magsagawa ng mga ritwal ng pagluluksa at ziyarah (pag-bisita).

Gayunpaman, dahil sa pagsiklab ng COVID-19, nagpasya muna ang Baghdad, na ipagbawal muna ang lahat ng mga dayuhang manlalakbay mula sa pagbisita sa Iraq para sa Arbaeen noong nakaraang taon.

Ngayong taon, ang Arbaeen ay babagsak sa buwan ng Setyembre 27, 2021.

......................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*