?>

Hindi iiwan ng Iran ang nuclear agreement, hindi katulad ng ginawa ng Estados unidos

Hindi iiwan ng Iran ang nuclear agreement, hindi katulad ng ginawa ng Estados unidos



Hindi iiwan ng Iran ang nuclear agreement, hindi kagaya ng ginawa ng Estados Unidos. Binigyang-diin ng tagapagsalita ng Iranian Foreign Ministry, na hindi tatalikuran ng Islamic Republic ang nuclear agreement, hindi katulad ng ginawa ng Amerikano noong 2018.



Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency: Ang tagapagsalita para sa Iranian Foreign Ministro, si Said Khatib Zadeh, ay sumulat sa isang tweet sa kanyang Twitter site, na ang Estados Unidos ay patuloy pa rin hanggang ngayon naglalabas ng kanilang mga maling ulat.

Idinagdag pa niya: "Ang pagkakaroon ng isang theatrical meeting para sa isang group photo, na may layuning gumawa ng isang maling salaysay tungkol sa pangangailangan para sa isang "mutual return to the nuclear deal" ay hindi nagbabago sa katotohanan, na ang Iran ay hindi kailanman umalis mula sa nuclear agreement, hindi katulad ng kung anu-ano ginawa ng Estados Unidos."

Tinapos ni Khatibzadeh ang kanyang tweet sa pagsasabing, "Ang Amerika ay hindi naabot ang anumang layunin sa pamamagitan ng kanilang paulit-ulit na gawaing pagbaluktot, ngunit ang matalinong mga desisyon tulad ng pagwawakas ng matinding panggigipit ay maaaring maging mabunga."

Kapansin-pansin din, na ang dating Pangulo ng Estados Unidos, si Donald Trump, ay nag-anunsyo noong Mayo 8, 2018, ang opisyal na pag-alis ng kanyang bansa mula sa nuclear agreement laban sa Iran, at nagpataw ng malupit na parusa (sanctions) upang pahinain ang desisyon ng mga mamamayang Iranian at iba pang dayuhang bansa.

........................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*