?>

Hinihiling ng Taliban na bawiin ng Turkey ang kanilang pwersa nito mula sa Afghanistan

Hinihiling ng Taliban na bawiin ng Turkey ang kanilang pwersa nito mula sa Afghanistan



Hinihiling ng Taliban sa Ankara na bawiin ng Turkey ang pwersa nito mula sa Afghanistan. "Bilang isang miyembro ng NATO, kailangan na bawiin ng Turkey ang kanilang mga puwersa nito mula sa Afghanistan, batay sa isang kasunduan na nilagdaan natin sa Estados Unidos noong Pebrero 29, 2020," iyon ang sinabi ng tagapagsalita ng Taliban, na si Sohail Shaheen.



Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Report Agency: Ang babala ng kilusang Taliban sa Turkey, na kailangan bawiin ng Turkey ang kanilang mga tropa nito mula sa lupain ng Afghanistan, tulad ng iba pang natitirang Miyembrong Tropa ng Estados Unidos ng NATO sa Afghanistan.

"Bilang isang miyembro ng NATO, dapat na rin bawiin ng Turkey ang kanilang mga puwersa nito mula sa Afghanistan, batay sa isang kasunduan na nilagdaan natin sa Estados Unidos noong Pebrero 29, 2020," ito ang sinabi ng tagapagsalita ng Taliban, na si Suhail Shaheen na kung saan sinipi ito ng Afghan Tolo News channel.

Idinagdag pa niya: "Sapagkat, ang Turkey ay isang pangunahing bansang Muslim, ang Afghanistan din ay may kaugnayan sa kasaysayan nito, at inaasahan namin na magkakaroon kami ng malapit at mabuting ugnayan dito pagkatapos mabuo naming ang isang bagong pamahalaang Islam sa aming sariling bansa kinabukasan."

Tumugon din ang Taliban sa alok na ginawa ng Turkey kamakailan upang seguradohin ang Kabul Airport, kasama na rin ang armadong pwersa, matapos ang pag-atras ng mga puwersang NATO mula sa Afghanistan.

Ayon sa Reuters, ginawa ng Ankara ang alok na ito sa Washington mula sa pagpupulong ng mga ministro ng pagtatanggol ng NATO noong Mayo ng taong ito, na kung saan ay tinalakay ng Estados Unidos at mga kaalyado nito ang isang plano ng mag-alis ng kanilang mga tropa mula sa Afghanistan. Ang mga talakayan sa panukalang Turkiish, ay naka-iskedyul na magpatuloy sa susunod na linggo sa panahon ng summit ng NATO.

Habang noong Abril 14, taong 2021 naman, na kung saan inihayag din ng Pangulo ng Estados Unidos, na si Joe Biden, na pag-planong simulan na ang pag-alis ng kanilang mga puwersa ng US mula sa Afghanistan noong Mayo, at upang makumpleto na rin ang prosesong ito sa buwan ng Setyembre 11, 2021.

Ang nakaraang administrasyon naman ng Estados Unidos, na pinamunuan ni Donald Trump, ay pumirma rin sa isang kasunduan ng kapayapaan, kasama na rito ang Taliban noong Pebrero, taong 2020, sa Doha, Qatar. Na kung saan din nanumpa ang Washington, na bawiin na nila ang kanilang mga puwersa nito, pati na rin ang mga kakampi nito, noong Mayo 1, 2021.

Ang pagkaantala naman sa kasunduan, na nakamit sa Doha ay nagdulot ng matinding sama ng loob sa bahagi ng Taliban, dahil na sa praktika ito idineklara ang sa kasong ito ay isinasaalang-alang nito ang kanyang sariling kalayaan mula sa mga pangako na nagawa sa mga pag-pupulong sa ilalim ng Kasunduan sa Doha noon.

Kapansin-pansin din naman, na ang mga sundalong Turko sa Afghanistan, na ipinakalat nila sa loob ng Afghanistan ang kanilang misyon na "Resolute Support" na para maging pamunuan ng NATO, na may bilang sa 500 umabot ang mga sundalo.

........................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*