?>

Hinihimok ni Imam Khamenei ang mga pagsisikap para bumuo ng mga makabagong industriya

Hinihimok ni Imam Khamenei ang mga pagsisikap para bumuo ng mga makabagong industriya

Ang Kataas-taasang Pinuno ng Rebolusyong Islamiko ng Iran, na si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei, ay hinimok niya ang mga opisyal ng bansa para doblehin ang kanilang mga pagsisikap upang bumuo ng mga makabagong industriya at kumpanya sa bansa.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency:  Hinikayat ni Ayatollah Seyyed Ali Khamenei ang Kataas-taasang Pinuno ng Islamikang Rebolusyon ng Iran, sa mga opisyal ng bansa para doblehin ang kanilang pagsisikap upang bumuo ng mga makabagong industriya at kumpanya sa kanilang bansa.

Hinimok din ni Ayatollah Khamenei, ang mga opisyal upang gawing prayoridad ang nabanggit na paghimok noong Lunes bilang tugon sa isang liham na ipinadala sa kanyang opisina mula kay Sorena Sattari, ang Bise-presidente sa Agham at Teknolohiya ng IRI.

Sa kanyang nasabing liham, nanawagan si Sattari para sa pagkakahanay sa pagitan ng tatlong sangay ng gobyerno ng IRI, ang Legislative, Judiciary at Executive, upang mapabilis ang pag-unlad ng mga makabagong industriya at kumpanya sa bansa.

Ginawa din niya ang kahilingan alinsunod sa slogan ng Iranian year 1401 (nagsimula noong Marso 21,2022) na itinalagang taon ng "produksyon na nakabatay sa kaalaman at paglikha ng mga trabaho (sa bansa)" ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikang Rebolusyon.

Tinukoy din ni Sattari, sa kanyang liham, ang pagtatalagang iyon at itinampok ang kahalagahan ng ekonomiyang nakabatay sa kaalaman na aniya, ay kailangang samahan ng mga makabagong industriya at malambot na teknolohiya upang mas lalo pang umunlad ang kanilan bansa.

Binanggit din niya, na ang ilan sa mga dahilan sa likod ng mabilis na lumalagong mga makabagong industriya at kumpanya sa mundo at ipinaliwanag pa niya, kung paano sila nag-aambag sa paglikha ng mha ibat-ibang panibagong trabaho.

Sinabi pa ni Sattari, na ang mga naturang industriya ay hindi pa gaanong napaunlad ng mabilis sa Iran sa kabila ng mga malawak na kapasidad ng bansa, at nanawagan din siya ng pagkakahanay sa pagitan ng tatlong sangay ng pamahalaan upang mas lalo pang mapabilis ang pag-unlad ng mga itinukoy niyang ang mga industriya at mga kumpanyang ito.
...........................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*