?>

Idinagdagan ng Iraq ang Quota ng mga Iranian Perigrino para maaring lumahok sa Arabeeni Husseini (as)

Idinagdagan ng Iraq ang Quota ng mga Iranian Perigrino para maaring lumahok sa Arabeeni Husseini (as)


Idinagdagan ng Iraq ang Quota ng mga Iranian Perigrino para maaring lumahok sa Arabeeni Husseini (as). Sumang-ayon ang Iraq upang payagan ang 60,000 mga Iraniang peregrino para maaring bisitahin ang bansang Iraq at Arab sa panahon ng Arbaeeni Husseini (as), sinabi ng isang opisyal ng Iran.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Report Agency: Sumang-ayon ang Iraq na payagan ang 60,000 mga Iraniang peregrino para bisitahin ang bansang Iraq at iba pa mula sa Arab sa panahon ng Arbaeeni Husseini (as), sinabi ng isang opisyal ng Iran.

Si Ali Reza Rashidian, isang pinuno ng Iran's Hajj and Pilgrimage Organization, ay nagsabi na habang ang gobyerno ng Baghdad ay nag-anunsyo ng 30,000-quota para sa mga Iraniang peregrino, sumang-ayon aman ito na doblehin ang bilang nito bago ang pagbisita sa Tehran ng Punong Ministro, na si Mustafa al-Kadhimi.

Idinagdag pa niya, na ang paunang pagpaparehistro para sa mga maaring maka-punta sa Arbaeen, ay ang mga peregrino ay nagsimula na at ang mga nakatanggap ng dalawang dosis ng bakuna sa coronavirus ang maaaring magparehistro para sa paglalakbay sa nasabing bansa.

Dumating naman si Kadhimi sa Tehran noong Linggo upang magsagawa ng mga pag-uusap tungkol sa ugnayan ng dalawang bansa, mga isyu ng interes sa isa't isa pati na rin ang mga pang-rehiyon at internasyonal na pagpapaunlad sa mga pagpupulong kasama na ang mga opisyal ng Iran.

Sinabi pa ng Baghdad, na ang mga dayuhang manlalakbay ay dapat pumasok sa Iraq sa pamamagitan ng mga paliparan at magkaroon ng negatibong sertipiko sa pagsubok ng PCR.

Ang Arbaeeni Husseini (as), na kung saan ay isa sa pinaka-mapayapa at pinakamalaking mga pagtitipon ng relihiyon sa buong mundo, pagdaating sa ika-40 Ka-arawan pagkatapos ng Ashura, kung ito ay ang anibersaryo ng pagiging martir ng ikatlong Shiah Imam, na siya ay si Imam Hussein (as).

Bawat taon, isang malaking pulutong ng mga Shias ang dumadapo sa lungsod ng Karbala ng Iraq, kung saan matatagpuan ang Banal na dambana ni Imam Hussein (as), upang magsagawa ng mga ritwal ng pagluluksa.

Marami sa kanila ang mga naglalakad malayo mula pa sa Najaf hanggang sa Karbala.

Dahil sa pagsiklab ng COVID-19, nagpasya ang Baghdad na ipagbawal na muna ang lahat ng mga dayuhang manlalakbay mula sa pagbisita sa Iraq para sa Arbaeeni Husseini (as) noong nakaraang taon.

Ngayong taon, ang Arbaeen ay bumagsak sa Setyembre 27.

.....................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*