?>

Inanunsyo ni Trump ang "simula ng isang diyalogo sa pagitan ng Saudi Arabia" hinggil sa normalisasyon sa Israel

Inanunsyo ni Trump ang

Kinumpirma ni Trump na malamang na makarating siya sa isang "ibang bansa" sa lalong madaling panahon hinggil sa isang kasunduan sa pagitan ng Israel Saudi Arabia...

Ayon sa ulat ng MAP, ibinalita ng Ahensyang Balita ng Ahl al- Bayt (AS) ABNA News, na inihayag ng Pangulo ng Amerika na si Donald Trump, noong Biyernes, ito ang simula ng isang diyalogo sa Saudi Arabia, sa gawing normalisasyon ng mga relasyon sa pananakop ng Israel.

Binigyang diin ni Trump na malamang na ang "ibang bansa" ay malapit nang umabot sa isang kasunduan sa Israel, nang hindi ito pinangalanan.

Ngunit, sinabi niya na "nagsimula ang isang diyalogo sa Saudi Arabia" para doon, na nagpapaliwanag: "Nakausap ko ang Hari ng Saudi Arabia (Salman bin Abdulaziz). Sinimulan lamang namin ang diyalogo ... at makikita mo silang sumali (sa kasunduan)."

Sinabi pa ni Trump, sa isang press briefing na inilathala ng website ng White House: "Sa susunod na linggo, sa White House, makakakita tayo ng isang pirma sa pagitan ng UAE at Israel, at maaaring mayroon kaming ibang Arabong bansa na sumali pa doon bukod sa UAE ."

Nagpatuloy siya, "Sinasabi ko na sa inyo, ang mga bansa ay pumipila upang makapasok lamang sa bagay na ito."

Sinabi niya, "Maaaring magkaroon ng kapayapaan sa Gitnang Silangan. Sa palagay ko kung ano ang mangyayari sa huli ay magkakaroon kayo ng ilang mga bansa na darating; May darating pa ang malalaking bansa pagdating s huling henarasyon."

At si Jared Kushner naman, isang tagapayo ng Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump, at siya din ay ang kanyang manugang, at ito ay dati nang binigyang diin na ang normalisasyon ng mga ugnayan sa pagitan ng pananakop ng Israel at Saudi Arabia ay "hindi maiiwasan."

Sinabi ni Kushner na ang ilang iba pang mga bansa sa Arab ay susundan ang UAE sa hakbang ng buong lantad na normalisasyon sa Israel.

Idinagdag pa niya, na ang ilang mga bansa ay "nagdamdam din dahil hindi sila ang una" na nagpahayag ng normalisasyong publiko sa Israel, at idinagdag pa niya na ang Estados Unidos ay nagsimulang magtrabaho sa mga ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa 18 buwan na ang nakakaraan. Kasabay ng pagbilis ng mga plano ng pagsasama.

Sinabi ni Kushner, na marami pang mga bansang Arabo ang maaaring magpahayag ng kani-knilang ugnayan sa mas lalong madaling panahon ng normalisasyon ng mga relasyon sa Israel, pagkatapos din ng isang kasunduan na binebenta ng Estados Unidos.

Noong Agosto 13, inihayag na rin ni Trump na ang UAE at Israel ay nakipagkasundo na gawing normal ang mga relasyon sa pagitan nila.

Ang kasunduan ay sinalubong ng malawak na pagkondena ng Palestinian, dahil isinasaalang-alang ito ng mga paksyon at pamumuno ng Palestine na ito ay isang "pagkakanulo" at isang haypokrisya sa likuran ng mga Palestinian at iba pang bansang Arabo.

......................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*