?>

Inaprubahan ng Parlyamento ng Pilipinas ang "Pambansang Araw ng Hijab"

Inaprubahan ng Parlyamento ng Pilipinas ang


Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na kung saan inaprubahan ng karamihang myembro ay bumoto ng pabor pagtatalaga ng isang "Pambansang Kaarawan ng Hijab" bilang paggalang sa pamumuhay ng mga minoridad na Muslim nakatira sa Bansa at ito ay Islam, ang kanilang Relihiyon.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA NEWS REPORT: Sa kabuuan ng Ulat, ang lahat ng 203 miyembro ng parlyamento ay bumoto ng pabor sa bagong panukalang batas ng 8249 parlyamento ng Pilipinas, na kung saan din naaprubahan ng ilang nakararami o karamihan na walang mga negatibong boto o abstensyon.

Ang layunin ng nabanggit na panukalang batas na ito ay ipinakilala nina Ansar al-Din Abdul-Malik Adiyong at si Amihilda Sangkopan (mga Muslim representante sa parlyamento), ito ay upang itaguyod ang pag-unawa sa pamamahala ng mga Muslim pagdating sa hijab, upang hikayatin ng mga iba pang babaeng hindi Muslim na makaranas ng hijab at tanggalin na ang mga maling paniniwala na ang hijab daw ay isang simbolo ng pang-aapi at hadlang sa kalayaan ng mga kababaihang Muslim.

Ang pambansang araw na ito ay kung saan magtatapos sa diskriminasyon na dinanas ng mga nagtakip (hijab) na kababaihan at mag-aambag sa proteksyon ng mga karapatan ng mga kababaihang Muslim sa pagsasagawa ng kanilang relihiyong Islam, sa pag-unawa sa hijab, ito ay bilang isang simbolo ng dignidad ng isang babaing Muslim, suporta sa pagkakaiba-iba ng kultura at ng pagpapaubaya, at pagtanggap ng iba pang mga paraan sa pamumuhay ng mga kababaihang Muslim sa bansa.

Ang mga ahensya ng gobyerno, mga paaralan, katulad ng Unibersidad, Kolehiyo at iba pang pribadong sektor ay kung saan hinihimok na rin ipagdiwang ang kaganapang ito ngayong Pebrero 1 ng bawat taon.

-------------------------------
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*