?>

Inihayag ng ambassador ng Ukraine sa Tel Aviv ang katotohanan, na ang mga sundalong Israeli ay lumahok sa digmaan sa panig ng kanyang bansa

Inihayag ng ambassador ng Ukraine sa Tel Aviv ang katotohanan, na ang mga sundalong Israeli ay lumahok sa digmaan sa panig ng kanyang bansa



Inihayag ng ambassador ng Ukraine sa Tel Aviv ang katotohanan na ang mga sundalong Israeli ay lumahok sa digmaan sa panig ng kanyang bansa. Sinipi ng 12th Hebrew Channel, si Yevgeny Kornichuk, na nagsasabi ang sinumang may pasaporte ng Ukrainian ay maaaring makatulong sa digmaan laban sa Russia, at tinutulungan siya ng Ukraine na gawin ito.



Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan)- ABNA News Agency: Ang embahador ng Ukrainian sa Israel, na si Yevgeny Kornichuk, ay nagsiwalat ng katotohanan tungkol sa pakikilahok ng mga sundalong Israeli sa digmaan kasama ang kanyang bansa laban sa Russia.

Habang isinipi naman ito ng 12th Hebrew Channel, na si Yevgeny Kornichuk, nagsasabi na ang sinumang may pasaporte ng Ukrainian ay maaaring makatulong sa digmaan laban sa Russia, at tinutulungan siya ng Ukraine na gawin ang proseso nito.

Binigyang-diin naman ng ambassador ng Ukrainian, na kinikilala ng kanyang bansa ang mga taong ito bilang mga mamamayang Ukrainian, na kung saan binabanggit hindi niya matukoy ang eksaktong bilang ng mga lumahok, sa ngayon, sa digmaan kasama na ang kanyang bansa laban sa Russia.

Ang Ukraine ay nagsumite ng isang kahilingan para sa tulong mula sa Israel, na sinasabing ang kanyang bansa ay nakakaranas ng isang "makatao na sakuna", tulad ng kanyang inilarawan dito, at ang Israel ay nagpatalsik ng dose-dosenang mga refugees sa halip na bigyan sila ng isang lugar ng asylum, sa isang oras kapag ang Ukrainian embassy sa Tel Aviv ay nagpunta sa mga Israeli upang labanan ang mga pwersang Ruso.

"Kung handa kayong ipagtanggol ang soberanya ng Ukraine, mangyari kayong magpadala sa amin ng inyong mensahe," sabi ng embahada sa isang pahayag.

Ang Hebrew channel ay nakumpirma naman, na ang mga pahayag ng Ukrainian ambassador sa Israel ay puno ng luha, sa panahon ng isang press conference, kung saan siya ay humingi ng kagyat na tulong ng Israel, na sinasabing ang Ukraine ay nauna at tumulong sa mga Hudyo noong World War II, nang ang mga Ukrainians ay nag-ambag sa pagliligtas sa mga Hudyo. Paumanhin, sa ngayon "Kailangan namin ang inyong mga tulong," sinabi ni Yevgeny Kornichuk.

Ang ambassador ng Ukrainian sa Tel Aviv ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa gobyerno ng Israel para sa makataong suporta, na ipinadala nito sa kanyang bansa, sa panahon na inilunsad ng Israel, ngayong araw, Martes, ang unang humanitarian aid convoy sa Ukraine, na naglalaman ng 100 toneladang mga kagamitan, kabilang na dito ang mga gamot, mga tolda at mga kumot.

At ang Hebrew media namn ay nag-ulat, na may ilan pang mga convoy, na binubuo ng 3 eroplano, ay nakarating na sa Polish capital, Warsaw, at mula doon ang tulong ay dadalhin naman ng mga trak papunta sa loob ng Ukraine.
Ipinaliwanag naman niya, na ang tulong ay tumitimbang ng 100 tonelada ng mga medikal na kagamitan at mga gamot na naibigay ng Ministri ng Kalusugan ng Israel, bilang karagdagan sa mga sistema ng paglilinis ng mga tubig, mga tolda, kumot, mga sleeping bag at mga coat.

..........................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*