?>

Inilunsad ang Unang Onlayn na Pagtatanghal ng Qur’an sa Iran

Inilunsad ang Unang Onlayn na Pagtatanghal ng Qur’an sa Iran

Ang unang birtuwal na pagtatanghal ng Qur’an ay pinasinayaan sa isang seremonya na ginanap sa Tehran noong Sabado.

Ayon sa ABNA News Agency, Ang iilang bilang ng mga opisyal ng pangkultura at Qur’aniko, kabilang ang Ministro ng Kultura na si Seyed Abbas Salehi, at ang kinatawan ng Qur’an at Etrat ng kagawaran na si Abdol Hadi Feqhizadeh, ay lumahok sa seremonya.

Nagsimula iyon sa pagbigkas ng mga talata mula sa Banal na Qur’an sa pamamagitan ng kilalang Qari na si Mehdi Gholamnejad.

Susunod, inilahad ni Feqhizadeh ang mga programang pinaplano para sa pagtatanghal, sa pagsasabi na magkakaroon ng isang pagtatanghal ng aklat na nagtatampok ng mga librong Qur’aniko at panrelihiyon, pati na rin ang bahagi ng paligsahan na isasama ang mga webinar na dinaluhan ng mga Iraniano at dayuhang mga iskolar.

Ipinahayag niya ang pag-asa na ang pagtatanghal ay gaganapin din sa darating na mga taon.

Ang mga handang bisitahin na pagtatanghal ay maaaring mag-log-on sa iqfa.ir

Tatakbo ang pagtatanghal ng sampung mga araw. Sinabi na ang mga nagsasaayos na magtagal ang pagtatanghal marahil hanggang kataposan ng Ramadan.

Higit sa 500 na mga tagapag-lathala ang magpapakita ng kanilang mga aklat tungkol sa iba't ibang mga paksa na panrelihiyon at Qur’aniko sa pagtatanghal ng aklat, ayon sa kinatawan kagawaran ng Qur’an at Etrat.

Sinabi ni Feqhizadeh na mas maaga sa linggong ito na 500 na mga Qur’aniko, panrelihiyon at pangkulturang mga institusyon ay magpapakita rin ng kanilang mga aktibidad sa iksibisyon.

Ang birtuwal na pagtatanghal ay gaganapin sa halip ng taunang pandaidigang iksibisyon ng Qur’an na nakansela noong 2020 dahil sa pandemikong mikrobyong korona.

Ang Pagtatanghal ng Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay taun-taon na inayos sa pamamagitan ng Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay sa banal na buwan ng Ramadan.

342/


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*