?>

Inilunsad ng Al-Azhar ang Kampanya Laban sa Islamophobia

Inilunsad ng Al-Azhar ang Kampanya Laban sa Islamophobia

Ang Departamento ng Islamikong mga Pag-aaral ng Ehipto ng Sentrong Islamiko ng Al-Azhar ay naglunsad ng isang kampanya laban sa Islamophobia.

Ayon sa ABNA News Agency, Ang "Islam na Hindi Nila Alam" ay ang pamagat ng kampanya, na inilunsad sa Twitter at Facebook kasunod ng mga gawa ng paglalapastangan ng Qur’an sa dalawang bansa sa Uropa.

Sinabi ng opisyal ng Al-Azhar na si Nazir Ayad na ang hakbang ay naglayong itatama ang maling imaheng naiisip ng ilan tungkol sa Islam, iniulat ng website ng youm7.com.

Ang nasabing maling imahe ay nagdulot ng kawalang galang at kalapastangan sa mga kabanalan ng Islamiko at hinimok ang rasismo at ekstremismo, idinagdag pa niya.

Ang mga bansang Muslim malakas na itinuligsa ang kasalukuyang mga pangyayari sa Sweden at Norway na kung saan nilapastangan ang mga kopya ng Banal na Qur’an.

Noong Biyernes, isang kopya ng Qur’an ang sinunog sa lungsod ng Malmo ng mga ekstremista ng sobrang-kanan na pangkat.

Makalipas ang isang araw, isang protesta laban sa Islam sa Oslo, Norway - na ginanap ng sobrang-kanan na pangkat na Itigil ang Islamisasyon ng Norway [Stop the Islamization of Norway] (SION) - isang nagpoprotesta ang pumunit ng mga pahina ng Qur’an at dumura sa kanila.

342/


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*