?>

Isang delegasyon ng mga relihiyosong iskolar mula sa Palestine dumating sa Banal na syudad ng Karbala + (video)

Isang delegasyon ng mga relihiyosong iskolar mula sa Palestine dumating sa Banal na syudad ng Karbala + (video)


Ang isang delegasyon na nagsama ng mga Palestinong relihiyosong skolar mula sa Karbala sa Iraq, ay nagpatibay na ang Israel ay humina na, binibigkas nila ang mga islogan na kinokondena ang Israel at Estados Unidos, at binibigyang diin ang pagkakaisa ng mga Muslim sa buong mundo.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Report: Sinabi ng isang delegasyon ng Palestinong klerigo sa kanilang pagbisita sa Banal na Dambana ni Imam al-Hussein (as) sa Karbala upang markahan ang Ika-40th pagkamartir ni Imam al-Hussein (as).

At ang pagsipi mula sa Al-Mayadeen TV, isang delegasyon na kasama ang mga Palestinong relihiyosong skolar dumating sa Karbala sa Iraq, ay binigyang diin nila na ang Israel ay humina na, na kung saan binibigkas din nila ang mga islogan na kinokondena nila ang mga Israel at Estados Unidos, at binibigyang diin din nila ang pagkakaisa ng mga Muslim sa buong daigdig.

Ang isang miyembro ng delegasyon ng mga Palestinong iskolar ay galing pa sila ng Palestine, si Sheikh Saeed Qassem, ang nagsabi: "Ang pakikipag-ugnayan sa patyo ni Imam al-Hussein (as) ay lumampas mula sa inaasahan ng mga nilalang."

Idinagdag pa niya, na ang pakikipag-ugnayan ay napakalaki sa Banal na Dambana ni Imam al-Hussein (as) sa Karbala, isa na ri sa mga panawagan ng mga Palestinong Iskolar ay para sa pagpapalaya ng bansang Palestine, at binigyang diin pa niya, na ipagpapatuloy namin ang aming pagbisita sa Iraq na nakikipag-ugnay sa mga awtoridad at kaganapan, at susundin namin ang prosesong ito taun-taon.

Habang ang delegasyon ay nasa Banal na Dambana ni Imam al-Hussein (as), pinakinggan nila ang sermon ng Kanyang Eminence, ni Ayatollah Sayyid Mortada al-Qazwini, pagkatapos na pumunta sila upang bisitahin ang dakilang awtoridad sa relihiyon, ang Kanyang Eminence, na si Sayyid Muhammad Taqi al-Modarisi, na tinanggap naman sila at binigyan sila ng isang talumpati sa loob mismo ng Banal na Dambana ni Imam al-Hussein (as) sa syudad ng Karbala, Iraq.

Ang delegasyon, ay naka-iskedyul din pra sumali sa pagpapasinaya ng prusisyon bilang isa ding panawagan ng al-Aqsa, na gaganapin sa 90 km na daanan sa pagitan ng mga lungsod ng Najaf at Karbala sa Huwebes.

.......................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*