?>

Mga diplomatikong pag-uusap, kinakailangang diyalogo kasama na ang Iran - Amerikanong rabbi

Mga diplomatikong pag-uusap, kinakailangang diyalogo kasama na ang Iran - Amerikanong rabbi

Mga diplomatikong pag-uusap, kinakailangang diyalogo kasama ang Iran - Ayon sa Amerikanong rabbi. Sinabi ng isang Amerikanong rabbi, na ang karamihan sa mga Amerikanong mamamayan ay bumoto para sa hinirang ng pangulo na si Joe Biden, upang ipakita na mas gusto nila ang diplomasya at diyalogo, hindi ang digmaan at parusa.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA NEWS AGENCY: Sinabi ng isang Amerikanong rabbi, na ang karamihan sa mga Amerikano ay ang mga Hudyong Amerikano, ang bumoto para sa hinirang ng pangulo na si Joe Biden, upang ipakita na mas gusto nila ang diplomasya at diyalogo, hindi ang digmaan at parusa.

Si Ginang Rabbi Lynn Gootlib, miyembro ng isang grupo ng dayalogo sa pagitan ng relihiyon na tinawag na "Tumingin sa ika-sampo" ay gumawa ng mga pahayag sa isang eksklusibong panayam sa IRNA noong Lunes.

Tinuligsa din niya, ang unilateral na mga parusa ng Estados Unidos laban sa Iran at sinabi niya na ang diyalogo ay bahagi ng diplomasya ng mga tao kung saan napagsabihan sila tungkol sa damdamin, katayuan at pangangailangan ng bawat isa upang makagawa rin sila ng mas mabubuting hakbang sa pagsulong ng mga pampulitika na dayalogo sa pamamagitan ng pag-impluwensya sa kanilang mga pampulitikong pinuno.

Sa Estados Unidos, responsable kami para sa pagpapahayag ng aming mga ideya at pag-impluwensya sa aming mga pampulitika na lider sa pag-balangkas ng sistema ng halalan, sinabi niya, na idinagdag pa niya na ang diskarte na ito ay nakatuon sa diyalogo sa mga relihiyon ay batay sa paniniwala ng bawat isa sa ating lahat, maging anumang relihiyon at paniniwala, ay may mga karapatang kailangang igalang, at kailangan nating bigyang diin ang patakarang ito sa pamamagitan ng pagsulong ng kapayapaan at dayalogo din sa larangan ng diplomatiko ng bawat bansa.

Sinabi ng Amerikanong rabbi, na ang ideyang ito ay makikita rin sa mga talata ng bantog na makatang Iran na si Sa'di, pati na rin ang Banal na Qur'an at ganoon na rin ang mga Lumang Tipan.

"Sa aking dalawang magkasunod na pagbisita sa Iran noong taong 2007 at 2008, ang mga Iraniang Inter-Religion Dialogue Center, ang aking naging host at sa oras na nagtatrabaho ako sa isang pagsasaliksik tungkol sa kapayapaan at pagkakasundo," dagdag niya.

Ang Iran ay isang napakagandang bansa, lalo na sa isang magandang arkitektura na tuloy at tunay na naakit ako. Mula sa arkitekturang pre-Islamika na kung saan nasa kapanahonan pa lalawigan ng Fars hanggang sa mga gusaling post-Islamika sa Isfahan, na makikita sa pinaka-magagandang tile-works sa kanilang mga moske, lahat sila ay lubos na nakakaakit at magaganda, sinabi ni Rabbi Gootlib, na pansamantala pinahahalagahan ko ang sikat na mga mabuting pakikitungo sa bansang Iran, sa kabila pa ng hindi makatarungang pag-trato ng Amerikano sa kanilang bansa.

Pinag-usapan din niya ang tungkol sa kanyang mga pagpupulong kasama ang mga Hudyo na Iranian at ang kanilang mga sinagoga sa loob ng Tehran at iba pang mga lunsod at probinsya ng Iran, na idinagdag niya, "Nagkaroon din ako ng malaking karangalan na makipag-usap sa lipunang Hudyo sa isang pangunahing sinagoga ng Tehran sa parehong pagbisita ko, kumain ng mga ibat ibang pagkain sa kanilang mga kosher (salitang Hudyo para sa halal na pagkain) sa knilang mga restawran, at binisita at napuntahan ko rin ang kanilang mga paaralan sa iba't ibang mga lunsod sa loob ng Iran.

Sinabi pa ni Gootlib, na "ang Tehran Jewish Cultural Society ay aking naging co-host," at idinagdag pa niya, na siya ay maraming beses ding nakilahok sa mga ritwal ng pagdarasal sa kapulungan ng mga Iraniang Hudyo, at hiniling pa sa kaniya na makipag-usap nang maikli para sa mga sumasamba, tulad ng isang kaaya-aya diyalogo na mayroon silang mga Hudyo sa syudad ng Shiraz.

"Ang lipunang Iranian, ay isang pagbubukod at sikat sa Gitnang Silangan," aniya, na karagdagan, "Karamihan sa mga Hudyo na nanirahan sa Jordan, Syria, Iraq at sa Lebanon ay lumipat mula sa mga bansang iyon at ang napakaliit na lipunan ng mga Hudyo sa Egypt ay hindi gaano nilang nararamdaman seguridad at kaligtasan, ”dagdag niya.

Sinabi pa ng Amerikanong rabbi, na ang lipunang Iranian Jewish ay nanirahan sa bansa mula pa noong sinaunang panahon at bahagi na rin ito ng mga napakakaibang lipunang Iranian mosaic.

"Matapos lamang ang aking pagbisita sa Iran, nagkaroon din ako ng maraming panayam sa mg Amerikanong media, kung saan pinag-usapan namin ang tungkol sa ugali at kultura ng mga Iranian, at partikular na ang lipunang Iranian, na pawang binigyang diin niya na hindi nila gusto ang interbensyon ng dayuhang banyaga sa kanilang bansa at maaari din nilang harapin at kakayanin ang kanilang ang mga problema mismo, "sabi ni Gootlib.

Ang Amerikanong rabbi, ay naniniwala din na ang mga Iranian ay pinapaboran nila ang mga diplomatikong pag-uusap at diyalogo, tulad ng mga Amerikano, "partikular na sa mga mahirap na panahong ito ng pandemikong Corona, kung kailan ito ay isang masidhing pangangailangan nang higit pa kaysa dati."

"85% ang mga Amerikanong Hudyo ang bumoto para kay Biden, na nagpapakita ito na ang karamihan sa amin ay pinapaboran ang pagbibigay ng isang pagkakataon sa diplomasya, dahil ang mga parusa ay kapwa hindi makatarungan at malupit pa sa taong bayan," aniya.

Pinuna din ni Rabbi Gootlib, ang pagbabawal sa paglalakbay ng US para sa mga Iranian, at lalo na ang mga Iranian na Hudyo na naninirahan sa loob ng Estados Unidos na nais din bisitahin ang kanilang mga kamag-anak sa Iran.

Pansamantala, nagpahayag din siya ng suporta para sa api ng mamamayang Palestino at pinintasan niya ang pananakop ng estado ng mga Hudyo sa kanilang mga lupain at pagkasira ng kanilang mga tahanan, sa pagtatalo, "Anumang pagpuna laban dito sa matinding paglabag ng Israel sa karapatang pantao sa pagbatikos at patahimikin bilang kontra-Semitiko"

Si Lin Gootlib din ay isang kasapi ng Kilusang Reformistang Hudyo at noong taong 1981, ang unang babaeng rabbi sa kilusang iyon.

.............................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*