?>

Muqtada al-Sadr: Hindi ako lalahok sa anumang "coalition government o isang consensus government"

Muqtada al-Sadr: Hindi ako lalahok sa anumang



Ang mga bloke ng Iraq ay tumututol sa mga resulta ng halalan, at sinasabing naganap ang malawakang pandaraya, at nagbabantang mas lalo pang lalala.



Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensuyang Balita ng Ahlul- Bayt (AS) ABNA News Agency: Sinabi ng Sadristang Kilusan sa Iraq, lider na si Moqtada al-Sadr: Ang tanging solusyon upang i-ligtas ang Iraq, ay nasa pamahalaan mismo ng Iraq dahil nalilito at ang talunan ay nasa oposisyon pa rin, o nasa vice versa.

Sinabi ni Al-Sadr sa isang panayam sa telebisyon, na inilathala ng kanyang pribadong opisina, pagkatapos makipagpulong sa ilang mga independiyenteng kandidato na nanalo sa kamakailang mga halalan, na "ang tanging solusyon upang iligtas ang Iraq" ay ang pagbuo ng mayoryang pamahalaan, at idinagdag pa niya: "Ako ay hindi lumahok sa anumang coalition government o kahit sa isa pang consensus government. Ang pagpunta sa oposisyon ay mas mabuti pa para sa atin."

Si Al-Sadr, ang partido ay nanalo ng pinakamataas na boto sa nakaraang halalan at nanawagan sa lahat ng mga Iraqing mamamayan tiyakin muna ang Iraq ay hindi umaasa sa anumang dayuhang partido, na binanggit nito: "Ang aming desisyon dito ay ang mga Iraqi at hindi kami kailanman tumatanggap ng mga utos mula sa likod ng mga hangganan."

Itinuro pa ni Al-Sadr, na "dahi may ilan pang mga partido ay naghahangad na manalo sa mga independyente, sa pamamagitan man ng pang-akit o pananakot, dahil wala silang milisya o armadong pakpak."

Sinabi pa niya, na "may mga umaatake sa mga independyente partido upang pabagsakin sila at paalisin sa halalan sa kapinsalaan ng pagdating ng ilang mga partisans, lalo na ang partido na itinuturing ang sarili nila ay isang talunan," idiniin pa niya, na ang may ilan pang mga partidong pampulitika "nagagawa nila na hindi man lang mag-atubiling pumatay ng mga sibilyan."

Ang mga bloke ng Iraq ay tumututol sa mga resulta ng halalan, at sinasabing, dahil may naganap daw ang malawakang pandaraya, at nagbabantang pa ito lalo lalala.

Ang kilusang Sadrista, na pinamumunuan ni Muqtada al-Sadr ay nanalo ng higit sa pitumpu sa 329 parliamentary seat sa Iraqi parliamentong butuhan, at bagama't nauuna ito sa pinakamalapit na katunggali nitong humigit-kumulang may 30 pang mga bakanteng upuan, kaya kailangan pa rin nitong makamit ang dalawang-ikatlong mayorya upang ipasa ang kandidato nito para sa punong ministro.

Humigit-kumulang may tatlong linggo nang nagsasagawa ng sit-in ang mga tagasuporta ng mga bloke ng oposisyon sa harap ng mga berdeng tarangkahan, bilang protesta laban sa sinasabi nilang pandaraya sa maagang halalan sa pambatasan, at hinihiling nila, na ang kumpletong bilang ng mga boto.

Sa nakalipas na dalawang linggo, naganap pa ang mga sagupaan sa pagitan ng mga nagpoprotesta na nagdududa sa integridad sa resulta ng halalan, at ng mga pwersang panseguridad, kasunod ng mga demonstrasyon ng mga tagasuporta ng ilan sa mga bloke ng oposisyon.

...........................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*