?>

Na-block ang pahinang French Instagram ni Seyyed Imam Kahmenei

Na-block ang pahinang French Instagram ni Seyyed Imam Kahmenei

Na-block ang pahinang French Instagram ni Seyyed Imam Kahmenei,
Ang pahinang Pransya Instagram ni Islamikang Pinuno ng Rebolusyon, na si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei ay na-block kasunod ng kanyang liham sa mga kabataan ng Pransya sa pang-insulto sa isang magasing Pransya sa Banal na Propeta ng Islam na si Hadrath Muhammad (PBUH).

Ayon sa Ahensyang Balita ng AhlulBayt (AS) ABNA NEWS: Ang pahinang Pransya ng Instagram ni Pinuno ng Islamikang Rebolusyon, na si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei ay na-block kasunod ng kanyang liham sa mga kabataan ng Pransya sa insulto ng isang magasing Pransya sa Banal na Propeta ng Islam na si Hadrath Muhammad (PBUH).

Noong Biyernes, hinarang ang Instagram Social Network ang opisyal account Website ng Opisina para sa Pagpapanatili at Paglathala ng mga gawain ni Pinuno ng Islamikang Rebolusyon sa Pranses.

Ang pinuno ng Islamikang Rebolusyon, na si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei ay naglabas ng isang liham noong Wed. sa mga kabataan sa Pransya, na nananawagan sa kanila na kwestyunin ang dobleng pamantayan ng kanilang pangulo sa kalayaan sa pagpapahayag.

Kasunod sa mga kamakailang mabangis na insulto sa Banal na Propeta ng Islam sa Pransya, ang matibay na suporta ng Pangulo ng Pransya na si Emmanuel Macron at ng kanyang mga Gabinete sa bansang iyon para sa mga nakakahamak na aksyon na ito sa ilalim ng pagkukunwari ng "kalayaan sa pagpapahayag," at pati na rin ang ginampanang pamahalaang iyon. sa pagpapakalat ng Islamophobia, si Ayatollah Khamenei ay lumitaw ng mahahalagang katanungan sa isang mensahe sa mga kabataan ng Pransya.

Sa isa pang bahagi ng liham, tinanong ni Pinuno ng Islamikang Rebolusyon, na "Bakit ba mas lalo pang dumami at kapansin-pansin ang pagdududa pagdating dito sa krimen ng Holocaust? At bakit ba dapat kailangan ikulong ang isang tao sumulat tungkol sa gayong (Holocaust) habang inilalalit naman nila ang Propeta ng Islam (PBUH) iyon ay katanggap-tanggap sa kanila (pahintulot para sa kanila)?

Ngayon, ang bagong pahinang Pransya Instagram ng Pinuno ng Rebolusyon ay sinimulan gawain nito sa sumusunod na address: instagram.com/fr.Khamenei.ir bilang isang pahina ng kapalit para sa naka-block na pahina.

.................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*