?>

Nagbibigay ng Piyansa ang Hukuman ng India sa mga Aktibista na Naaresto sa mga Kaguluhan sa Delhi

Nagbibigay ng Piyansa ang Hukuman ng India sa mga Aktibista na Naaresto sa mga Kaguluhan sa Delhi

Isang hukuman sa India ang nagbigay ng piyansa sa tatlong batang aktibista na naaresto sa ilalim ng mahigpit na batas ng teror na may kaugnayan sa nakamamatay na kaguluhan na laban sa Muslim na sumabog sa kabisera ng New Delhi noong nakaraang taon.

Ayon sa ABNA News Agency, Ang piyansa na ipinagkaloob sa kanila noong Martes ay nauugnay sa isang kaso kung saan sinabi ng pulisya na sila ay bahagi ng "mas malaking pagsasabwatan" sa karahasan doon sa Delhi na sumunod ang mga protesta laban sa isang kontrobersyal na batas sa pagkamamamayan na ipinasa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Punong Ministro na si Narendra Modi noong 2019.

Si Devangana Kalita at si Natasha Narwal, mga kasapi ng isang kapisanan ng kababaihan, at mag-aaral sa unibersidad na si Asif Iqbal Tanha ay naaresto noong Mayo noong nakaraang taon sa ilalim ng Nalalabag sa Batas na mga Kilusan Paghahadlang na Kautsan [Unlawful Activities Prevention Act (UAPA)].

Una nang ipinakilala noong 1967 bilang isang "batas laban sa terorismo", pinapayagan ng UAPA ang pagkabilanggo sa isang akusadong tao hanggang sa 180 na mga araw nang walang demanda.

Ang batas ay ginawang mas mahigpit sa nagdaang mga taon matapos ang iilang bilang ng mga pagbabago na nagbigay ng malalawak na kapangyarihan sa mga ahensya na nagpapatupad ng batas, na nag-uudyok ng galit ng mga pangkat ng karapatan at pandaigdigang mga samahan.

Sa kautusang ito na pinagbigyan ang tatlong mga aktibista na makapagpiyansa, sinabi ng Mataas na Hukuman ng Delhi na dapat mag-ingat ang pamahalaan sa "linya sa pagitan ng batay sa saligang batas na nagarantiya sa karapatan na magprotesta at aktibidad ng terorista."

"Tila na sa pagkabalisa nitong sugpuin ang hindi pagkakasundo, sa isipan ng bansa, ang linya sa pagitan ng batay sa saliagang batas na ginagarantiyahan ang karapatan na magprotesta at ang aktibidad ng terorista ay tila lumabo," sinabi ng hukuman, ayon sa mga ulat ng media ng India.

"Kung ang itinakda ng kaisipan na ito ay nakakakuha ng lakas, iyon ay magiging malungkot na araw para sa demokrasya."

Ang tatlong mga aktibista ay kabilang sa dose-dosenang naaresto dahil sa pagprotesta laban sa Batas sa Pagbabago ng Mamamayan [Citizenship Amendment Act], na alin magpabilis sa pagkamamamayan ng mga Indiano para sa panrelihiyong mga minorya - mga Hindu, mga Sikh, mga Buddhista, mga Jain, mga Parsi at mga Kristiyano - mula sa Pakistan, Bangladesh at Afghanistan, ngunit walang sanggunian ukol sa mga Muslim.

Ang pagpasa ng batas, na tinawag ng Nagkakaisang mga Bansa na "pangunahing may-pagtatanggi", ay nakita ang libu-libong mga Indiano na pumupunta sa mga kalye, na may pag-upo na inayos sa pamamagitan ng mga kababaihan sa kapitbahayan na ang karamihan ay mga Muslim sa New Delhi na naging sentro ng mga protesta.

Iyon ay sa panahon ng mga protesta laban sa CAA na sumiklab ang karahasan sa mga kapitbahayan ng Muslim sa hilagang-silangan ng Delhi noong Pebrero sa nakaraang taon. Hindi bababa sa 53 na katao, karamihan sa kanila mga Muslim, ay pinatay, at dose-dosenang mga bahay at mga moske ang nawasak.

Inakusahan ng mga pangkat ng karapatan ang pulisya sa Delhi na alinman sa hindi pagkilos o pakikipagsabwatan sa karahasan, ang pinakapangit na nakita ng kabisera mula noong laban sa Sikh na mga gulo noong 1984.

Sa paghihigpit ng pulisya na sumunod sa mga kaguluhan na laban sa Muslim, dose-dosenang mga aktibista – ang malaking bilang sa kanila mga Muslim, ilang mga biktima ng karahasan - ay inakusahan na nagsimula ng mga kaguluhan at naaresto sa ilalim ng UAPA at iba pang mga demanda.

Si Kalita at Narwal ay mga kasapi ng Pinjda Tod (Break the Cage), isang kapisanan ng mga kababaihan na nangangampanya para sa malawak na kalayaan at mga karapatan para sa mga kababaihan sa mga hostel sa unibersidad sa buong India.

Si Tanha ay isang mag-aaral sa Jamia Millia Islamia sa New Delhi, isang unibersidad na itinatag ng mga Muslim sa panahon ng kilusang kalayaan sa India laban sa Britanya.

Noong nakaraang buwan, si Natasha Narwal, 32, namatay ang kanyang ama na si Mahavir Narwal, isang retiradong propesor at aktibista, dahil sa mikrobyong korona. Binigyan siya ng pansamantalang piyansa ng tatlong mga linggo upang maisagawa ang huling rituwal ng kanyang ama.

342/


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*