?>

Nagpaabot ang Pinuno ng Pakikidalamhati sa Kamatayan ng Mataas na Kleriko

Nagpaabot ang Pinuno ng Pakikidalamhati sa Kamatayan ng Mataas na Kleriko

Ang Pinuno ng Rebolusyong Islamiko Ayatollah Seyed Ali Khamenei ay nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagkamatay ng kilalang kleriko na si Ayatollah Mohammad Ali Taskhiri.

Ayon sa ABNA News Agency, Sa isang mensahe nitong Martes, inilarawan ng Pinuno si Ayatollah Taskhiri bilang isang matatag na iskolar at ang mahusay na tinig ng Islam at Shi'ismo.

Ang Pinuno ay nagbigay diin sa matalinong talaan ng kleriko ng kontribusyon doon sa pandaigdigang Islamikong mga konseho.

Nagpahayag rin ng pakikiramay si Ayatollah Khamenei sa pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan ng iskolar sa kanyang pagmanaw.

Si Ayatollah Taskhiri ay namatay dahil sa pag-atake sa puso doon sa isang ospital sa Iranianong kabisera ng Tehran noong Martes sa edad na 76.

Ang isang kilalang panrelihiyon na tao sa mundo ng Muslim, si Ayatollah Taskhiri ay naglingkod rin bilang pinuno ng Samahan ng Islamikong Kultura at Ugnayan at tagapayo sa Pinuno sa mga kapakanang  pandaigdigan sa Muslim.

Sa panahon na siya ay naglingkod bilang kalihim heneral ng Pandaigdigan Talakayan para sa Kalapitan ng Islamikong mga Paaralan ng Kaisipan, nakapagsawaga siya ng malaking pagsisikap patungo sa pagpapatibay ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim.

Sumulat at isinalin niya ang mga sampung mga aklat sa Islam at sa mundo ng Muslim. 

342/


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*