?>

"Namatay ang nangungunang Iranian Cleric na si Ayatollah Reyshahri"




"Namatay ang nangungunang Iranian Cleric na si Ayatollah Reyshahri". Ang iskolar ng Muslim, na si Ayatollah Muhammad Muhammadi Reyshahri ay pumanaw noong Martes ng madaling araw sa Tehran.



Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency: Siya ay naospital sa Khatam-ul-Anbya Hospital sa Tehran at pumanaw noong Martes sa edad na 75.

Siya ang tagapangalaga ng Banal na Dambana ni Hazrat Abdul Azim Hassani (as).

Ipinanganak siya sa isang relihiyosong pamilya sa Shahr-e-Rey noong 1946. Pagkatapos ng elementarya, dumalo siya sa isang Islamikong seminaryo sa kanyang lugar bago umalis pumunta sa banal na lung ng Qom Seminaryo, nakalipas ng ilang taon, siya ay naging isa sa mga pangunahing guro ng sentro.

Si Reyshahri ay isa ring rebolusyonaryong pigura at ilang beses na inaresto ng sistema ng paniktik ng rehimeng Pahlavi para sa kanyang mga pakikibaka laban sa rehimen.

Pagkatapos ng Rebolusyong Islamiko noong 1979, kumuha siya ng iba't ibang posisyon sa hudikatura bilang pinuno ng iba't ibang hukuman. Siya din ang unang ministro ng katalinuhan ng Islamic Republic noong 1984.

Si Ayatollah Reyshahri ay isa ding dating miyembro ng Assembly of Experts sa ilang terminosa bansa.

Bilang karagdagan sa kanyang pagtuturo sa Qom Seminaryo, sumulat din siya ng higit sa 75 mga libro na nakatuon sa mga turo ng Islam. Ang isa ilan sa kanyang libro na isiinulat:“Scale of wisdom” at “El elixir de amor” ay dalawa sa kanyang mga aklat na isinalin sa Ingles.

.............................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*