?>

31 pa teroristang Maute-ISIS ang napatay

31 pa teroristang Maute-ISIS ang napatay

Nasa 120 Maute-Islamic State ng Iraq and Syria (ISIS) terror group ang napapaslang matapos na 31 pa ang nalagas sa hanay ng teroristang grupo sa patuloy na opensiba ng tropa ng militar sa ika-sampung araw ng krisis sa siyudad ng Marawi.


Nasa 120 Maute-Islamic State ng Iraq and Syria (ISIS) terror group ang napapaslang matapos na 31 pa ang nalagas sa hanay ng teroristang grupo sa patuloy na opensiba ng tropa ng militar sa ika-sampung araw ng krisis sa siyudad ng Marawi City.

Ayon sa Balitang Ahlul-bayt (ABNA24)- Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., at sa 120 napaslang na terorista ay 90 sa mga ito ang narekober ang bangkay. Habang ang iba pang mga nasawi ay base naman sa intelligence report at ng mga testigo sa lugar.

Inihayag pa ni Padilla na umaabot na sa 996 ang bilang ng mga nasagip na sibilyan na mga hostage at mga naipit sa pagsiklab ng bakbakan.
Sa panig naman ng tropa ng pamahalaan ay 36 ng sundalo ang nasawi kabilang ang 11 na tinamaan ng “friendly fire” habang 79 naman ang mga nasugatan at pito dito ay mga minalas na tamaan sa airstrike nang sumablay ang bomba na ibinagsak ng Philippine Air Force (PAF).
Nabatid naman sa panig ng pulisya ay tatlo ang nasawi habang lima naman ang mga naitalang sugatan.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*