?>

40 mga dayuhang jihadist kasama sa bakbakan ng grupo ng teroristang Maute

40 mga dayuhang jihadist kasama sa bakbakan ng grupo ng teroristang Maute

Tinatayang 40 dayuhang teroristang mga jihadist ang kasama ng Maute terror group ang umano ay nakikipagbakbakan sa tropa ng militar sa Marawi City.

Tinatayang 40 dayuhang teroristang mga jihadist ang kasama ng Maute terror group ang umano ay nakikipagbakbakan sa tropa ng militar sa Marawi City.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) - Ang nasabing mga dayuhang jihadists ay mga kasapi ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) na kinabibilangan ng mga Indonesian, Malaysian, Pakistani, Indian, Moroccan at isang may Turkish pasaporte.

Una nang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsanib pu¬wersa na ang grupong teroristang Maute –ISIS sa siyudad ng Marawi.
Sinasabing ang magtatayo ng ISIS hub sa Pilipinas ay partikular na sa lungsod o maging sa iba pang bahagi ng Lanao del Sur.

Nang matanong naman si AFP Taga-pagsalita Brig. Gen. Restituto Padilla sinabi nito na kasalukuyan pa nila itong kinukumpirma.

Una nang ibinulgar ng AFP na anim sa mga napaslang mula sa te¬roristang grupo ay mga dayuhang Malaysian at Indonesian na kaalyado ng Maute terror group.

Inamin ni Padilla na hindi naman itinatanggi ng AFP na may mga dayuhang terorista sa lugar pero hindi pa nila mabatid sa kasalukuyan ang eksaktong bilang ng mga ito.

Kaugnay nito, inamin ni Padilla na lumilitaw sa imbestigasyon ng AFP na planado ang pag-atake ng mga te¬rorista sa lungsod.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*