?>

89 patay sa Maute

89 patay sa Maute

Umabot na sa 89 miyembro ng grupong Maute ang nasawi, ayon sa militar ngayong Miyerkules.

Umabot na sa 89 miyembro ng grupong Maute ang nasawi, ayon sa militar ngayong Miyerkules.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) - Sa kabila nito, sinabi ng taga-pagsalita ng AFP Brig. Gen. Restituto Padilla na hindi nila matiyak kung ilan pa ang nasa siyudad ng Marawi na isang linggo na nilang inaatake.

Bukod sa mga nasawing terorista, 21 naman ang namatay mula sa hanay ng gobyerno, habang 19 na mga sibilyan din ang nadamay.

Sinabi pa ni Padilla na marami pa ring residente ang naipit sa kaguluhan at hindi pa naliligtas na pinangangambahang hawak ng armadong grupo.

Isinailalim sa batas military ang buong Mindanao kasunod ng panggugulo ng mga miyembro ng Maute nitong nakaraang linggo.

Hindi na rin naman itinuloy ni Duterte ang kaniyang biyahe patungong Japan upang tutukan ang kaguluhan sa siyudad ng Marawi.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*