?>

Bangkay ng mga babae at bata narekober sa lungsod ng Marawi

Bangkay ng mga babae at bata narekober sa lungsod ng Marawi

Dumarami ang narerekober na bangkay ng mga sibilyang nadamay sa bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi. Kabilang ang labi ng mga babae at bata sa mga natagpuan sa lugar na nakaranas ng matinding karahasan.



Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) - Walo pang bangkay ang nakuha nitong hapon ng mga tauhan ng Provincial Disaster Group. Kabilang sa narekober ang labi ng apat na lalaki, tatlong babae, at isang bata na nasa 4-5 taong gulang.

Nabubulok na ang isa sa mga bangkay na hinihinalang napatay sa unang araw pa lang ng pag-atake ng Maute. Nakuha rin ang bangkay ng dalawang empleyado ng Mindanao State University.

Ayon sa isang civic organization sa Marawi, may mga bangkay pang nakikita ang kanilang mga miyembro sa mga liblib na lugar.

Nagsimula na ring mangamoy ang mga naiwang bangkay. Nakapanlulumo ring kinakain na raw ng hayop ang labi ng mga umano'y napugutang biktima.

Ayon sa Provincial Crisis Management Committee, mahigit 2,000 pang sibilyan ang naiipit ngayon sa bakbakan sa Marawi. Sa tantiya rin ng ahensiya, mahigit 7,000 pamilya, o katumbas ng mahigit 42,000 indibidwal, ang apektado ng gulo.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*