?>

Dinalaw ni Pangulong Duterte ang mga sundalo sa Marawi sa ika-apat na pagkakataon

Dinalaw ni Pangulong Duterte ang mga sundalo sa Marawi sa ika-apat na pagkakataon

Sa ikaapat ay muling dinalaw ni Pangulong ¬Rodrigo Duterte ang mga sundalong nakikipaglaban sa Maute-ISIS group sa siyudad ng Marawi kamakalawa ng hapon at nangako ito ng libreng Hong Kong trip sa sandaling matapos na ang krisis na likha ng terorista.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag nitong Lunes sa kanyang ikaapat na beses na pagbisita sa mga tropa ng pamahalaan sa siyudad ng Marawi.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maaaring daanin sa pa-raffle ang libreng biyahe sa Hong Kong sa mga sundalo kasama ang kanilang pamilya, maliban pa sa P100,000 na papremyo lalo sa mga kababaihang sundalo.

Ayon kay Pangulong Duterte, gusto niyang ma¬kabawi sa mga sundalong patuloy na lumalaban sa mga terorista at bigyan sila ng magandang bakasyon.

Kasabay nito, nagdala rin ang pangulo ng mga sigarilyo para sa nga sundalo na alam daw niyang nai-stress ngayon sa giyera at kailangan ng pamparelax.

Pero nagbabala si Pangulong Duterte sa masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan lalo kapag tumanda na sila.
Kaya bahala na daw ang mga sundalo kung gagamitin ang mga dala niyang sigarilyo sa kabila ng kanyang naging babala bilang dati ring naninigarilyo.

Muli namang ipinaabot ni Pangulong Duterte ang kanyang saludo at pasasalamat sa mga sundalong lumalaban sa gulo sa siyudad ng Marawi.
Una rito, dinalaw ni Pangulong Duterte ang burol ni Army Scout Ranger Capt. Rommel Sandoval na kabilang sa pinakabagong nasawi sa giyera laban sa mga terorista.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*