?>

Grupong Maute pinondohan ng pera mula sa droga

Grupong Maute pinondohan ng pera mula sa droga

Ang Drug lords ay siyang nagkanlong sa terorista...



Ang Drug lords ay siyang nagkanlong sa terorista...

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24)- Pinopondohan umano ng pera mula sa droga ang grupong Maute na umatake sa siyudad Marawi.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Pangulong Rod¬rigo Duterte sa kanyang mensahe sa ika-110 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sasa Wharf, siyudad ng Davao.

“Terrorism in the country is funded by drug money. We have suffered tremendously in Marawi dahil hinayaan kasi natin ang droga,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Duterte na nalulungkot siya sa tuwing binabasa niya ang kanyang daily briefer kung saan ay nakasaad na nalalagasan ang gobyerno ng mga sundalo at pulis araw-araw.

“It’s not easy to read the papers in the morning & find you’re losing plenty of soldiers & policemen. I lose 4-5 soldiers and policemen every day. I grieve the loss of my soldiers and policemen because of Marawi City incident,” dagdag pa ni Duterte.

Iginiit pa ng Pangulo, kaya ganun na lamang ang kanyang respeto sa mga sundalo at pulis sa kanilang paglilingkod sa bayan at nakikiramay naman ito sa pamilya ng mga nasawi.
Anya, maging ang mga drug lords ng tumindi ang kampanya ng gobyerno laban sa mga illegal na druga ay nagtago sa kanlungan ng mga terorista.

Siniguro rin ng Pangulo na lalo niyang palalakasin ang Philippine Army sa pamamagitan ng pagbili ng mga modernong kagamitan at armas mula sa Russia at China.

Tinukoy din ni Duterte na aktibo sa terorismong negosyo ang naarestong pulis na si Supt. Ma. Theresa Nobleza sa Bohol dahil sa pagtangkang tumulong sa mga miyembro ng Grupong Abu Sayyaf na nagtangkang maghasik ng kaguluhan sa Bohol.

Siniguro rin ni Duterte na hindi ito makikipag-usap sa terorista bagkus ang tanging kakausapin lamang niya ang MILF at MNLF
Nagbanta rin ito sa mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nasa Oslo, Norway para sa nausyaming 5th round ng peace talks sa gobyerno na huwag umuwi ng bansa dahil ipapaaresto niya ang mga ito.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*