?>

Ipinaliwanag ni Lorenzana: Ang Batas Militar ay kailangan talaga sa Mindanao

Ipinaliwanag ni Lorenzana: Ang Batas Militar ay kailangan talaga sa Mindanao

Nilinaw ni Depensong Kinatawan Delfin Lorenzana ngayong Miyerkules ang kaniyang pahayag sa pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao.


Nilinaw ni Depensong Kinatawan Delfin Lorenzana ngayong Miyerkules ang kaniyang pahayag sa pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao.

Ayon sa Balitang Ahensiya ngAhlul-Bayt (ABNA24) - Sinabi ni Lorenzana na kinakailangan pa rin naman ang batas militar kahit na kaya namang tapusin ng gobyerno ang grupong Maute na nanggugulo sa lungsod ng Marawi.

Aniya hindi lamang naman ang kaguluhan sa siyudad ng Marawi ang dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasailalim ng buong Mindanao sa Batas Militar.

"The situation currently being dealt with by State security forces goes beyond Marawi City. President Duterte’s imposition of Martial Law aims to put an end to the long running rebellion in various provinces in the south, as evidenced by the incidents that happened in Zamboanga, Davao, Bohol, Lanao, Basilan, Sulu, Tawi-tawi and Maguindanao," pahayag ni Lorenzana.

Pinagbasehan ng minorya ng Senado ang pahayag ni Lorenzana sa kanilang ehekutibong sesyon na kung saan nabanggit ng kalihim na kaya naman ng pwersa ng gobyerno na maibalik ang kapayapaan sa siyudad ng Marawi kahit walang batas militar.

Dahil dito ay nagpatawag ang minorya ng pagsasamang-sesyon ng Kamara at Senado upang talakayin ang deklarasyon ni Duterte.
Hindi naman ito lumusot dahil karamihan ng mga senador ay pabor sa deklarasyon ng pangulo.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*