?>

Kinundema ang paglusob ng mga terorista sa Nigeria at Pakistan

Kinundema ang paglusob ng mga terorista sa Nigeria at Pakistan

Mariing kinondena ng Pilipinas ang naganap na suicide bombing ng Islamic terrorists sa Nigeria at Pakistan na ikinasawi ng mahigit 50 katao at pagkasugat ng mahigit 100.


Mariing kinondena ng Pilipinas ang naganap na suicide bombing ng Islamic terrorists sa Nigeria at Pakistan na ikinasawi ng mahigit 50 katao at pagkasugat ng mahigit 100.

Ayon sa balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - “Ang Pilipinas ay sumali sa internasyonal na komunidad sa pagkundema sa mga pag-atake ng mga terorista sa Nigeria at Pakistan na pumapatay ng maraming buhay na walang sala,” ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano kahapon.

“Kami ay tumayo sa pagkakaisa sa mga gubyerno at mamamayan ng Nigeria at Pakistan habang nakaharap sila sa parehong marahas na banta ng ekstremismo na kung saan kami ngayon ay nahaharap din sa Mindanao,”’ paliwanag pa ni Sec. Cayetano.

Ayon sa DFA, isang female suicide bomber ang pinasabog ang sarili sa palengke ng Maidorugi City sa Northeast ng Nigeria noong Martes kung saan 27 katao ang nasawi. May 2 suicide bomber din ang umatake naman malapit sa refugee camp kung saan ay marami din ang nasaktan nang sumabog ang bomba ng mga ito.

Sa Pakistan naman ay isang suicide bomber ang umatake sa military convoy sa may Quetta City noong Sabado kung saan ay 15 katao ang nasawi at mahigit 40 naman ang nasugatan. Inako ng Islamic State ang responsibilidad sa nasabing insidente.

Nauna rito, nagpalabas ng babala ang DFA sa mga Pinoy sa abroad na maging maingat dahil sa mga terror attack.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*