?>

Mga 'bakwit' mula Marawi ngunit tuloy pa rin ang ‘Puasa’ o Pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan

Mga 'bakwit' mula Marawi ngunit tuloy pa rin ang ‘Puasa’ o Pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan

Kahit mahirap ang sitwasyon sa mga sentrog ebakwasyon, patuloy pa rin sa ‘puasa’ o nag-aayuno ng maraming ‘bakwit’ bilang bahagi ng pag-obserba ng Banal na buwan ng Ramadhan.

Kahit mahirap ang sitwasyon sa mga sentrog ebakwasyon, patuloy pa rin sa ‘puasa’ o nag-aayuno ng maraming ‘bakwit’ bilang bahagi ng pag-obserba ng Banal na buwan ng Ramadhan.

Ayon sa Balitang Ahesiya ng Ahlul-Byt (ABNA24) - Habang tumitindi ang opensiba ng militar laban sa mga grupong Maute sa Siyudad ng Marawi, Mindanao, Philippines.

Dumarami rin ang mga lumilikas sa karatig-lungsod ng Iligan. Sa iisang banig, pilit nagkakasya ang bawat pamilyang pansamantalang nakikisilong sa sentrong ebakwasyon sa barangay Maria Cristina. Bukod sa mainit, kulang pa ang palikuran.

Pero dahil buwan ng Ramadhan, tuloy din ang ‘puasa’ o pag-aayuno ng mga kapatid nating Muslim.

"Kinakaya ko talaga dahil sa panginoong Allah," ani Putri Dagarana, isa sa mga bakwit.

Tuwing Ramadhan, hindi sila maaaring kumain mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-6 ng gabi, kaya mayroong mga hindi ginagalaw ang almusal na ibinibigay sa sentrong ebakwasyon.

Hindi naman maaaring mag-'puasa' ang mga paslit, matatanda, at may sakit, kaya ang mga ina ay binabantayan na lamang ang maliliit na anak na nagsasalo sa pagkain.

Sinisiguro naman ng sentrong ebacwasyon na nagluluto sila sa hapon para sa kanilang 'Ifta’r' pagsapit ng alas-6 ng gabi. Nagluluto silang muli pagsapit ng hatinggabi at alas-2 ng madaling araw.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*