?>

Mga sundalong kasama sa bakbakan sa Marawi ay binisita ni Pangulong Duterte

Mga sundalong kasama sa bakbakan sa Marawi ay binisita ni Pangulong Duterte

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong kasama sa operasyong ginagawa sa Marawi City.

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong kasama sa operasyong ginagawa sa Marawi City.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) - Nagtungo ang pangulo sa kampo ng 2nd Mechanized Infantry Division at hinarap ang mga Phil Marines at Phil Army na naghahandang tumulak papuntang Marawi.

Sinabihan sila ng pangulo na huwag matakot at gawin lang ang trabaho nila, kahit Batas Militar.
Tiniyak din niya na sapat ang armas ng mga sundalo at umuutang pa siya ngayon sa Russia para madagdagan ito.

Nakahanda rin ang mga ospital ng gobyerno para magamot ang mga masusugatan.
Dagdag pa ni Duterte, kung malakas-lakas daw siya ay sasamahan pa niya ang mga sundalo sa bakbakan.

“Ako kung puwede lang akong makisali sa inyo, sasalo ako, ang isang kilometro sa akin. Wala na… Gusto ko ‘yang baril-barilan," Ani Duterte. "Huwag kayong mag-alala, Kapag kayo’y matumba ako rin ay matutumba. Ang kahinatnan at bahagi, Ako at ako ang mag-iisang reponsable dito,” ayon kay Duterte.

Ayon naman kay General Eduardo Año, ayaw na nila patagalin ang martial law. Limitado na sa Marawi ang bakbakan at iniiwasan na lang nilang may iba pang grupong makapasok, para suportahan ang Maute at mga armadong grupo.

Siniguro rin ni Año na hindi maaabuso ang martial law at kung mayroon man magtatangka, sinabi niyang isumbong sa kanya para maimbestigahan agad.

Samantala, dinalaw din ni Duterte sa Iligan City ang mga nasawi at nasugatan sa bakbakan sa Marawi City.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*