?>

Sumuko o mamatay!

Sumuko o mamatay!

Ito ang matapang na ultimatum kahapon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) laban sa Maute-ISIS terror group kaugnay ng patuloy na bakbakan sa Marawi City na nasa ika-walong araw na.

Ito ang matapang na ultimatum kahapon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) laban sa Maute-ISIS terror group kaugnay ng patuloy na bakbakan sa Marawi City na nasa ika-walong araw na.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ito ang matapang na ultimatum kahapon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) laban sa terorista ng grupong Maute-ISIS kaugnay ng patuloy na bakbakan sa Siyudad ng Marawi na nasa ika-walong araw na.
Naunang sinabi ni AFP Taga-pagslita B/Gen. Restituto Padilla na malapit na nilang ‘matalo’ ang grupong Maute.

“Kami ay nanawagan sa lahat ng mga naiwan terorista, susuko na sila habang may pag-kakataon, kapag sila’y hindi susuko tiyak kamatayan ang kanilang hinaharap,” pahayag ni Padilla.

Sinabi ni Padilla na ang panawagan at ultimatum sa Maute-ISIS ay sa hangaring matuldukan na sa lalong madaling panahon ang pagkawala ng buhay at pagkasira ng kabuhayan sa lungsod.

Dapat anyang isipin ng nasabing mga terorista na higit na malakas at makapangyarihan ang tropa ng gobyerno kaya mas makabubuting magsisuko na ang mga ito at magsipagbaba ng mga armas.

“Tiyak tayo ang maging panalo dito! Kami ay sumusuporta sa mga tao sa Marawi, sa kanilang mga interes at kaligtasan upang protektahan ang mga tao sa Marawi”, ani Padilla.

Sinabi ni Padilla na patuloy ang surgical air strikes at clearing ope¬rations sa Marawi upang ma-rescue ang nalalabi pang sibilyan na na-trap.

Umabot na sa 104 ang nasawi sa bakbakan kung saan ‪ay 65 ang grupong Maute, 20 sa AFP-PNP at 19 na sibilyan.

Naitala naman sa 90,000 ang naapektuhan ng bakbakan na nagsi¬mula nitong Mayo 23.

Hinikayat na rin ni Pangulong Duterte ang MILF, MNLF gayundin ang NPA na tumulong sa gobyerno sa paglaban sa Maute.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*