?>

Sundalong ikakasal napatay sa bakbakan

Sundalong ikakasal napatay sa bakbakan

Labis na kapighatian ang nararamdaman ng naulilang pamilya ni Corporal Angelo Estores matapos itong mapatay sa nagpapatuloy na sagupaan sa Siyudad ng Marawi.

Labis na kapighatian ang nararamdaman ng naulilang pamilya ni Corporal Angelo Estores matapos itong mapatay sa nagpapatuloy na sagupaan sa Siyudad ng Marawi. 

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Si Estores ay nakatalaga sa 5th Mechanized ng Armed Forces of the Philippines at nakatira sa bayan ng Pikit, North Cotabato. Batay sa ulat, ikakasal na sana si Estores sa Hunyo 2017 sa kanyang misis na may dalawang supling.

Samantala, isa namang kasama ni Estores ang nagpaabot ng mensahe sa kanyang tatay na si PFC Kenny Mark Severino sa pamamagitan ng text na nagsabing - Pa, ipanalangin n’yo po ako, mukhang hindi na po matutuloy ang aking kasal, tatlo na lang po kami ang naiwan, ang siyam namatay na.

Dagdag pa sa kanyang text na habang, ginagapang ang cal. 50 machine gun dahil sa naubusan na rin siya ng bala. Mga RPG umano ang tinitira sa kanila ng grupong Maute at patay na rin ang kanilang opisyal.

Tiniyak naman ni Mayor Sumulong Sultan ang tulong na kanyang ibibigay sa itinuturing nilang bayani dahil sa pagbuwis ni Estores ng kanyang buhay para sa bayan.Anumang araw ngayong linggo ay darating na ang bangkay ni Estores.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*