?>

Plaka ng "Lahat tayo ay mga Lingkod ni Imam Reza (as)" na inaawit sa kanyang banal na Dambana

Plaka ng

Ang plake ng "Lahat tayo ay mga Lingkod ni Imam Reza (as)" ay nilagdaan sa banal na dambana ni Imam Reza (as) bilang tanda ng pagkakaisa at pakikipag-alyansa sa mga kinatawan ng mga banal na Dambana mula pa sila ng Iraq ay dumalo Araw ng Kapanganakan ng Ika-walong Shiah Imam (as) sa Mashhad.

Ayon sa Balitang Ahensya ng AhlulBayt (AS) ABNA News Agency:  Ang plake ng "Lahat tayo ay mga Lingkod ni Hadrath Imam Reza (as)" ay nilagdaan sa banal na Dambana mismo ni Imam Reza (as) bilang tanda ng pagkakaisa at pakikipag-alyansa sa mga kinatawan ng mga banal na Dambana mha delagasyon mula pa sila ng Iraq ay dumalo dito sa Mashhad, Iran.

Kasabay ng anibersaryo ng kapanganakan ni Imam Reza (as), nilagdaan ng mga kinatawan ng mga banal na dambana mula pa sa Iraq ang plake, na naging pangunahing motto sa banal na Dambana ni Imam Reza (as) nitong mga nakaraang taon.

Sa isang seremonya na ginanap sa Imam Khomeini Portico noong Hunyo 10, ang plake ng "Lahat tayo ay mga Lingkod ni Imam Reza (as)" ay nilagdaan ng deputy custodian ng banal na Dambana, si Dr Malek Rahmati, kasama ang ilan pang mga Iraqi academic figures at nangungunang mga opisyal sa Dambana ni Imam Hussein (as) at sa mga banal na Dambana ni Hazrat Abbas (as).

Sa ibang lugar sa seremonya, iginiit din ni Haidar Hassan al-Shemri, pinuno ng Shiah Endowments Office sa Iraq, na ang kongregasyon ng mga kinatawan ng mga banal na Dambana ng Iraq ay dumalo sa banal na dambana ni Imam Reza (as) sa hilagang-silangan ng Iraniang lungsod ng Mashhad upang pirmahan ang plake ay isinagawa upang i-renew ang katapatan na ang walang kamaliang Sambahayan ng banal na Propeta (saww). "Ang kongregasyong ito ay may mensahe sa mundo: Tayong lahat ay mga tagapaglingkod, tagapagtanggol, at tagasunod ng banal na Propeta (saww) at ng kanyang Hindi Nagkakamali na Sambahayan".

Binigyang-diin din nila, na ang mga banal na Dambana sa Iraq ay lahat ay matatag sa paninindigan laban sa pandaigdigang pagmamataas, sinabi ng opisyal ng Iraq: "Hindi namin papayagan ang mga kaaway, lalo na ang US at Israel, na insultuhin ng kaunti ang aming mga kabanalan".

“Sa espesyal na okasyong ito, pinahahalagahan namin ang lahat ng mga martir na sumunod sa mga fatwa ng relihiyosong kautusan ni Ayatollah Seyyid Sistani, na ipagtanggol ang mga banal na Dambana ng Iraq, lalo na si yumaong Lt. Gen. Hajj Qasim Soleimani at ang kanyang kasamang si Abu Mahdi al-Muhandis at iba pa”, dagdag ni al-Shemri.

.........................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*