?>

Si Ayatollah Mohseni, ang Pinakatanyag na Kleriko ng Shi'a sa Afghanistan ay Namatay

Si Ayatollah Mohseni, ang Pinakatanyag na Kleriko ng Shi'a sa Afghanistan ay Namatay

Ang nangungunang kleriko ng Afghanistan na si Ayatollah Sheikh Mohammad Asif Mohseni ay namaty dahil sa isang sakit sa Kabul.

(ABNA24.com) Ang nangungunang kleriko ng Afghanistan na si Ayatollah Sheikh Mohammad Asif Mohseni ay namaty dahil sa isang sakit sa Kabul.

Si Ayatollah Mohammad Asif Mohseni, ang isa sa pinkakilalang Shi'a na relihiyosong kleriko ng Afghanistan ay pumanaw nitong Lunes.

Si Mohseni, ang pinuno ng Konsehong Relihiyoso ng Shi'a ng Afghanistan ay isa sa pinakakilalang relihiyosong kleriko sa bansa.

Ipinanganak siya noong 1935 sa katimugang lalawigan ng Kandahar at malawak na itinuturing na pinakapangyarihang kleriko sa mga Shi’a sa Afghanistan.

Si Mohseni sino siyang nagtatag ng Kilusang Islamiko ng Afghanistan ay isa sa pinakakilalang mga tao sa paglaban na Afghano laban sa pananakop ng Sobyet.

Matapos maitaguyod ang isang bagong demokratikong sistema sa Afghanistan, iniwan ni Mohseni ang pagiging aktibo sa pulitika at sa halip ay ipinagpatuloy ang pagtuturo ng Hurisprudensiya sa Khatam Al-Nabiyyen na relihiyosong seminaryo, na itinatag noong 2001.

Si Mohseni ay nag-aaral sa banal na lungsod ng Najaf sa Iraq sa ilalim ng Dakilang Ayatollah Abul Qasim Khoei, Muhsin Al-Hakim at Abdul ala Sabzwari.



/129


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*