?>

Sinabi ni Pres. Rouhani: Ang mga krimen ni Trump laban sa mga Iranian ay ipinag-patuloy hanggang ngayon ng kanyang mga kahalili

Sinabi ni Pres. Rouhani: Ang mga krimen ni Trump laban sa mga Iranian ay ipinag-patuloy hanggang ngayon ng kanyang mga kahalili


Sinabi ni Pres. Rouhani: Ang mga krimen ni Trump laban sa mga Iranian ay ipinag-patuloy hanggang ngayon ng kanyang mga kahalili. Hanggang ngayon, ang mga kahalili ni Trump ay nagpatuloy ng kanyang mga krimen at terorismo sa ekonomiya laban sa mga Iranian at iba pang Islamikong bansa, at sila ang mga kriminal ng parehong landas na itinatag ni Trump noon, sinabi ni Pangulong Rouhani.




Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Report Agency: Hanggang ngayon, ang mga kahalili ni Trump ay nagpatuloy sa kanyang mga krimen at terorismo sa ekonomiya laban sa mga Iranian, at sila na ang mga kriminal ng parehong landas na itinatag ni Trump noon pa, sinabi ni Pangulong Rouhani.

Sa kanyang pagsasalita, sa isang sesyon ng gabinete noong Miyerkules, nagsalita ang Pangulo ng Iran, na si Hassan Rouhani. tungkol sa insidente ng pambobomba ng punong tanggapan ng Islamikang Republikanong Party (IRP) noong Hunyo 28, 1981 kung saan pinatay si martir ng Punong Mahistrado, na si Ayatollah Mohammad Hussein Beheshti at ng kanyang 72 na nangungunang mga opisyal ng Iran.

Sinasabi niya, na ang hakbang na ito ay alam namin galing pa ito ng isang terorista at ito'y isang pandaigdigang pagsasabwatan laban sa Iran, sinabi ni Pangulong Rouhani, na ang mga bansang Kanluran ay sangkot pa rin sa balak na ito, at ang mga teroristang grupo ay silang nagnga-ngalang MEK, ay kumilos bilang kanilang mga mersenaryo.

Sa pamamagitan ng pagpatay kay Chief Justice Shaheed Beheshti, naisip at akala nila ay mabibigo ang parlyamento at ang gobyerno at ang pagtatatag ng Islamikang Republika ng Iran, ay magkawatak-watak, sinabi ni Rouhani.

Gayunpaman, sa kapangyarihang intelektuwal at impluwensya ni yumaong Imam Khomeini (ra), siya ang taga-pagtatag ng Rebolusyong Islam, lahat ng mga sabwatan at balak laban sa bansa ay lahat ang mga ito ay nahulog sa pag-kabigo.

Saanman sa kanyang mga sinabi, nagsalita si Pangulong Rouhani tungkol sa maximum pressure ni Trump laban sa bansang Iran sa mga nagdaang taon, na sinasabing, "Ang mga kahalili ni Trump ay nagpatuloy sa kanyang mga krimen hanggang ngayon, at sila ang mga kriminal ng parehong landas na itinatag ni Trump noon."

Ang rehimeng Zionista at ang mga kakampi nito ay pinabayaan nila ang US mula sa JCPOA, na nagpataw ng digmaang pang-ekonomiya laban sa bansang Iran.

Gayunpaman, nagbunga ang paglaban ng bansang Iranian nang kinilala ni Biden, sa kanyang kampanya sa halalan, na mali ang ginawa ni Trump, sinabi ni Rouhani, idinagdag din niya na sinabi ni Biden, na ang US ay nakatuon sa muling pagbuhay ng JCPOA.

Binigyang diin din niya, na ang gobyerno ng Iran ay hindi magtatamo ng mga pagsisikap hinggil dito, na igigiit din ng mga Iranian ay hindi kailanman humingi ng mga sandatang nukleyar mula sa kanila.

.........................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*