?>

Sinusuportahan ng UAE, Kuwait at Bahrain ang desisyon ng Saudi Arabia upang i-target ang mga produkto mula sa Lebanon

Sinusuportahan ng UAE, Kuwait at Bahrain ang desisyon ng Saudi Arabia upang i-target ang mga produkto mula sa Lebanon


Sinabi ng Ministry of Foreign Affairs ng UAE at International Cooperation, na suportado nga daw sila kagaya ng iba pang Khaleezul Fars, katulad ng Saudi Arabia sa mga hakbangin upang maprotektahan ang lipunan mula sa salot ng droga...

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Report Agency: Na ang UAE, ang Kuwait at Bahrain ay nagpahayag ng kani-kanilang suporta para sa desisyon ng Saudi Arabia, na pinuntirya ang pagdating ng Republika ng Lebanon sa dahilan ng mga produktong pang-agrikultura sanhi nito ng pagtaas ng mga ipinag-babawal na Gamot/Droga.

Sinabi ng Ministry of Foreign Affairs ng UAE at International Cooperation ng nasabing bansa, na kung saan seryoso sila at suportado sa ginawang hakbang ng Saudi Arabia, sa kanyang "mga hakbang na kung saan ipinapairal na ito upang maprotektahan kaagad ang lipunan mula sa salot ng droga, at suportado sila dito sa lahat ng mga hakbang na ginagawa sa loob ng balangkas ng walang pagod na pagsisikap upang labanan ang organisadong krimen na ito, at ang karapatan nito sa pangangalaga at kaligtasan ng lipunan, "tulad ng paglalagay ng mga plano rito.

Sa isang pahayag, sinabi pa ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Kuwait na, "Ang desisyon ng soberanya ng Saudi Arabia ay nasa loob ng pagiging masigasig ng Saudi Arabia na upang pigilan ang mapanganib na salot na ito mula sa pagpasok sa teritoryo nitong Gulpo, tulad ng inilalagay nito, na nananawagan din sila sa mga awtoridad na kapatiran mula sa bansang Lebanon, na magtrabaho ng matinding pag-seseryoso upang matiyak na mai-export ito ay malaya sa anumang mga pagbabawal na paglalantad sa pag-export sa mga pagbabawal na mga nasabing kontrabandong Droga."

Inihayag din ng Bahrain, sa pamamagitan ng Ministry of Foreign Affairs, ang suporta nito para sa paglipat ng Saudi Arabia.

Ang pahayagang Kuwaiti, katulad ni Al-Rai, ay nagsabi din na nagpalabas ang mga awtoridad ng mga verbal order sa mga nag-aangkat ng gulay at prutas na huwag muna mag-import ng anumang produkto ang Lebanon.

Noong Biyernes, inihayag din ng Saudi Arabia, na napigilan nito ang pagpuslit ng operasyon ng mga gamot sa pamamagitan ng isang padala ng mga granada mula sa Lebanon, upang magkakasunod na magpasya na tuloy na dapat pigilan ang pagpasok o paglipat ng mga gulay at prutas ng Lebanon mula sa mga lupain at baybaying-dagat nito, sa kabila pa ng katotohanan, ang mga nasamsam na granada ay hindi sa taglagas nito, at sa oras nang Lebanon ay walang ganoong produksyon para sa pag-export nito, dahil ito ay itinuturing na isang desisyon sa politika. Dumating naman ito upang umakma sa desisyon ng Washington para hadlangan na raw ang bansang Lebanon, ngunit ito daw ay lamang propaganda na gawa-gawa lang para patuloy igiit na ng kalapit na Arabong Bansa ang pag-export ng kani-kanilang mga prutas, gulay at iba pa...

........................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*