?>

Sumang-ayon sina Al-Kazemi at Raisi na dagdagan pa ang bilang ng mga Iranian na bumibisita sa kwarenta taon kesa kanselahin ang mga visa

Sumang-ayon sina Al-Kazemi at Raisi na dagdagan pa ang bilang ng mga Iranian na bumibisita sa kwarenta taon kesa kanselahin ang mga visa



Sumang-ayon sina Al-Kazemi at Raisi na dagdagan pa ang bilang ng mga Iranian na bumibisita sa ika-apatnaput Kaarawan (Arbaeeni Husseini) kesa kanselahin ang mga visa.
Kinumpirma ng pangulo ng Iran na "Sumang-ayon si Al-Kazemi na dagdagan ang bilang ng mga Iranian na bisita sa Ika-apatnapung Kaarawan," na inilalantad ang isang "kasunduan upang kanselahin ang visa sa pagitan ng Iraq at Iran."

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Report Agency: Ang Pangulo ng Islamikang Republika ng Iran, si Seyyid Ibrahim Raesi, sa isang pangunahing, sumang-ayon ang Iraq sa pag-aalis ng mga visa sa pagitan ng dalawang bansa at dagdagan ang bilang ng mga Iranian na peregrino na bumisita sa apatnapu (Arbaeeni Husseini).

Sinabi ng Pangulo ng Republika sa isang pinagsamang press conference kasama ma ang Punong Ministro ng Iraq, na si Mustafa Al-Kazemi noong Linggo ng hapon sa Tehran: Tuwang-tuwa kami sa pagkakaroon ng isang mataas na antas na delegasyon mula sa kapatid at palakaibigang Iraq, at lubus-na-lubos ang papuri sa Dakilang Diyos, na ang mga ugnayan sa pagitan ng Iran at Iraq ay napakahusay, ngunit maaari silang mapaunlad pa, at sa pulong na ito, mula sa Sabah Ngayon at hanggang ngayon, tinalakay ang kalooban ng dalawang bansa para paunlarin pa ang mga ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

Dagdag pa ng Pangulo ng Islamikang Republika: Ang ugnayan ng Iran sa Iraq ay hindi lamang isang kapitbahay na relasyon, ngunit ito ay isang pagpapatuloy ng mga paniniwala, isang ugnayan ng puso at malalim na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa at ng mga tao nito, at sa kabila pa ng pagnanasa ng mga kaaway, ang mga ugnayan na ito ay maaari pang mapaunlad ng ibat-iba pang larangan ng Ekonomiya at Politika.

Ipinaliwanag din ni Raisi, na ang papel na ginagampanan ng dalawang bansa sa rehiyon, mundo, at mga relasyon sa internasyonal ay maaaring makaapekto sa relasyon ng Iran-Iraqi, na idinagdag pa nito: "Ano nga ba ang tinalakay sa mga dalubhasang pulong ng ministro at kung ano ba talaga ang tinalakay sa pulong sa Punong Ministro na ang Iraq ay upang bumuo ng mga relasyon at ang mga pagpapasya ay kinuha na inaasahan naming ipatupad sa lalong madaling panahon.

Ipinagpatuloy niya, "Ang anunsyo ng Iraqi Punong Ministro ay ang pagkansela ng mga visa sa pagitan ng dalawang bansa ay magandang balita, at ang kalooban ng Iraq at Iran na magtatag ng isang riles ng tren at maiugnay ang Shalamcheh sa Basra, na isang mabuting bagay, at ito ay Naisin ng Diyos na May Kapal, ito ay magagawa sa pamamagitan ng pag-follow up nito at ang mga karampatang ministro sa Iran at Iraq."

Ipinahiwatig din ng Pangulo ng Republika, na ang isa sa mga isyu na tinalakay niya kay Al-Kazemi ay ang mga isyu sa pananalapi at pera sa pagitan ng dalawang bansa, na idinagdag niya: Nasa gitna kami ng apatnapung pagbisita, ang sitwasyon ng Corona para sa parehong mga bansa at sa buong mundo, at ang proteksyon ng mga bisita ay isang mahalagang isyu na lumikha ng mga paghihigpit para sa Iraq, na binabanggit na ang Iraqi Punong Ministro ay nangako na taasan ang bilang ng mga Iraniang mga bisita para pumunta ng Karbala, Iraq. Hangga't maaari na lumahok sa pagbisita ng apatnapung Husseini (as).

Bilang pagtatapos, sinabi din ni Raisi: Inaasahan ko ang mga ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay bubuo pa ng lubos araw-araw, sa kabila ng mga pagnanasa ng mga kaaway ng dalawang bansa, at palagi nating makikita ang magagandang ugnayan sa pagitan ng Iran at Iraq.

.....................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*