?>

Susuriin ng administrasyong Biden ang kasunduan sa pagitan ng administrasyong Trump at Taliban

Susuriin ng administrasyong Biden ang kasunduan sa pagitan ng administrasyong Trump at Taliban

Susuriin ng administrasyong Biden ang kasunduan sa pagitan ng administrasyong Trump at Taliban. Ang US National Security Adviser na si Jake Sullivan, ay nakipag-usap sa kanyang katapat na Afghanistan, si Hamdallah Moheeb, at "nilinaw niya ang hangarin ng Estados Unidos na repasuhin" ang kasunduan, ayon sa tagapagsalita ng National Security Council na si Emily Horne.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA NEWS REPORT: Ang pangasiwaan ng Pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden, sa Biyernes, susuriin daw nila ang kasunduang nilagdaan sa pagitan ng pamamahalaang Trump at sa Afghani Taliban.

Ayon sa ahensya ng "Agence France Presse," nagsalita ang US National Security Adviser na si Jake Sullivan sa kanyang katapat na Afghanistan, si Hamdallah Moheeb, at "nilinaw niya ang hangarin ng Estados Unidos upang suriin ang" kasunduan, ayon sa tagapagsalita ng National Security Council na si Emily Horne.

Inangkin din ni Horne, na partikular na nais ng Washington i-verify ang Taliban "ay kung saan tinutupad ba ng mga obligasyon nito upang putulin na ang ugnayan sa tinatawag nitong mga grupo ng terorista, para mabawasan na tuloy ang karahasan sa Afghanistan, at ipasok na ang makabuluhang negosasyon sa gobyerno ng Afghanistan at iba pang mga kasosyo nito."

Sinabi din niya sa isang pahayag na tinawag ni Sullivan si Moheeb upang ipahayag ang "pagnanais ng Amerika para sa lahat ng mga pinuno ng Afghanistan na sakupin ang makasaysayang opurtunidad na ito para sa kapayapaan at katatagan ng bansa."

Ang hinirang ni Biden para sa posisyon ng Kalihim ng Estado na si Anthony Blinken ay inanunsyo niya nilalayon daw ng bagong administrasyon para isaalang-alang muli ang kasunduan na natapos noong Pebrero ng papalabas na administrasyon ni Pangulong Donald Trump kasama na dito ang kilusang Taliban, na binibigyang diin din niya na nais daw niyang panatilihin sa Afghanistan ang "ilang mga kakayahang Amerikanong Sundalo" upang labanan pa ang mga salot na terorismo.

Ayon sa ahensya ng "Agence France Presse," sinabi ni Blinken sa isang pagdinig na ginanap ng Senado upang aprubahan ang kanyang appointment bilang Ministro ng Ugnayang Panlabas, sinabi nito "Nais naming matapos na ang walang hanggang digmaang ito. At nais din naming maiuwi na ang aming mga sundalo."

Noong Pebrero, nilagdaan naman ng administrasyong Trump ang isang kasunduan kasama na dito ang Taliban na naglalaan para sa pag-atras ng mga puwersa ng US mula sa Afghanistan nitong Mayo, sa taong 2021, kapalit ng garantiya ng pangkat ng mga interes ng Amerika sa bansa.

Sa ilalim ng kasunduang nilagdaan naman sa Doha, sinabi ng Estados Unidos na aalisin nila ang lahat ng puwersa nito mula sa Afghanistan sa Mayo 2021 at nangako din naman ang Taliban na huwag payagan ang mga ekstremista na gumana mula sa Afghanistan, kahit na nagpatuloy pa ang pag-atake ng mga grupo sa mga puwersa ng gobyerno.

.....................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*