?>

Tahimik pa hanggang ngayon ang mga Saudi sa harap ng pagtataas ng presyo ng Hajj 2022: Opisyal

Tahimik pa hanggang ngayon ang mga Saudi sa harap ng pagtataas ng presyo ng Hajj 2022: Opisyal

Ang pinuno ng Iran's Hajj at Pilgrimage Organization ang nagsabi, na ang mga opisyal ng Saudi ay hindi pa tumutugon sa mga reklamo ng ilang mga bansa dahil sa pagtaas ng mga gastusin sa Hajj ng taong 2022.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News:  Ang pinuno ng Iran's Hajj and Pilgrimage Organization ang nagsabi, na ang mga opisyal ng Saudi ay hindi pa tumutugon sa mga reklamo ng ilang mga bansa dahilan sa pagtataas ng mga gastusin sa ngayong Hajj sa taong 2022.

Sa pananalita sa isang pulong noong Lunes sa Tehran, sinabi ni Seyed Sadeq Hosseini, na ang mga negosasyon ay may isinagawa na mga paraan upang makakuha ng mga discwento mula sa mga kumpanya ng Saudi sa ngayong taon ng Hajj.

Ibinanggit na ang pagtaas ng presyo, idinagdag pa ni Hosseini, na ang mga liham ay ipinadala sa Hajj Ministry ng Saudi Arabia tungkol dito at ng iba pang mga bansa ay nagpahayag din ng kani-kanilang protesta at pagkabahala ngunit hangga't wala ang opisyal ng Saudi ang nagbigay ng kanilang tugon hinggil dito.

Maliban sa pagtaas ng halaga ng mga, tumaas din ang presyo ng mga bilihin, aniya, na binanggit niya ang mga halimbawa, ang presyo ng mga pagkaing protina ay tumaas ng 20 hanggang 40 porsyento.

Alinsunod dito, dapat singilin ng organisasyon ang mga pilgrims ng karagdagang 7 milyong toman (halos $ 230 USD), ikinalulungkot niya.

Pinangalanan din ng ilang ulat ang pandemya ng COVID-19, ang pagtaas ng mga gastusin sa mga paglipad ng eroplano, at inflation bilang pangunahing dahilan dito sa likod ng pagtaas ng presyo ng Hajj ngayong taon.

Inanunsyo din ng Saudi Arabia, na tatanggap ito ng mga dayuhang pilgrima para sa Hajj ngayong taon pagkatapos ng dalawang taong pagkakasuspinde dahil sa pandemya ng COVID-19.

ipinakita din ang mga numero na humigit-kumulang 5.8 milyon na Iranian ang nasa listahan ng naghihintay para sa paglalakbay nito sa Saudi Arabia upang magsagawa ng Umrah.

Ilang taon din nilang hinihintay ang kanilang inaasam-asam na darting ang panahon sa Hajj.

..............................................

328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*