Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Linggo

25 Agosto 2024

1:59:21 AM
1480370

Sayyed Al-Houthi: Walangbibang paraan kundi ang aglaban upang tiyakin ang matinding ipaghiganti ang pagpaslang ng Israel kay Hajj Shaheed Hanyieh

Kinumpirma ng Pinuno ng Kilusang Islamikong rebolusyonaryo ng Yemeni Ansarullah, na si Sayyed Abdul Malik Badreddine Al-Houthi, na tiyak at walang-duda para ipaghihiganti ng Axis ng Resistance ang pagpaslang ng mga "Israeli" sa Dating Pinuno ng Hamas, na si Hajj Shaheed Ismail Haniyeh sa Tehran, ngunit kailangan ang masusing pagpaplano upang makapaghatid ng mas masakit at epektibong tugon laban sa Israel.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Kinumpirma ng Pinuno ng Kilusang Islamiko ng Yemeni Ansarullah Rebolutionaryo, na si Sayyed Abdul Malik Badreddine Al-Houthi, na walang-duda at tiyak ipaghihiganti ng mga Axis ng Resistance ang pagpaslang ng mga mananakop at kriminal na "Israeli" sa Dating Pinuno ng Hamas, na si Hajj Shaheed Ismail Haniyeh sa Tehran, ngunit kailangan ng aming mga mandirigma ang masusing pagpaplano para makapaghatid ng mas masakit at mabisang tugon nito laban sa mga Zionistang entidad.

Sa isang talumpati sa telebisyon mula sa kabisera ng Yemen, sa Sana'a, binigyang-diin ni Sayyed Al-Houthi, na “Tiyak at Walang-duda para isasagawa ng mga grupong Axis ng Resistance ang operasyong paghihiganti, na mas matindi at magiging masakit at epektibo. Ang maingat na pagpaplano ay kabilang sa mga dahilan sa likod ng pagkaantala sa pagpapatupad nito.”

Sinabi pa niya, na "ang mga 'Israel' ay nasa isang estado ng matinding takot at pag-dadalamhati sa gitna ng pag-asam ng paghihiganti ng Iran sa target na pagpatay kay Hajj Shaheed Haniyeh noong Hulyo 31, habang ang mga operasyon na ito ay patuloy nila isinasagawa sa ibang lugar sa buong Kanlurang Asya."

"Ang mga operasyon ay puspusan sa katimugang Lebanon at ang Israel ay naghihintay na lamang ng isang hindi maiiwasang tugon mula sa mga mandirigma ng Paglaban ng mga Lebanese Hezbollah," sinabi ng Pinuno ng Kilusang Ansarullah.

"Ang sinabing paghihiganti ay ganap na darating at ito ay magiging mas matindi at mabibigat at ito ay isang malakas na epektibo," sinabi ni Sayyed Al-Houthi, na itinuro niya, na "Sa linggong ito, ang mga pwersang Yemeni ay gumamit ng 21 Winged Ballistic missiles, at kamikaze drone pati na rin ang mga unmanned underwater na sasakyan sa iba't ibang operasyon laban sa mga target ng Israeli."

"Sa ngayon," sinabi ni Al-Houthi, "ang Yemeni naval units ay naka-target sa 182 merchant vessels, na kaanib sa 'Israel' at sa Kanlurang o Western sponsors nito sa panahon ng kanilang maritime operations sa Red Sea bilang suporta sa mga Palestino sa Gaza Strip."

Binatikos ng Pinuno ng Ansarullah ang entidad na "Israeli", na sinasabing ginagawa nito ang krimen ng siglo laban sa mga Gazans sa nakalipas na 321 araw sa tulong at suporta ng US at ilan iba pang mga bansa sa Kanluran.

Sinabi ni Seyyed Al-Houthi, na ang mga relihiyosong iskolar at palaisip ay may malaking responsibilidad para itaas ang kamalayan sa mga Muslim at sa mga bansa sa daigdig tungkol sa panganib ng hindi pagsuporta sa mga Palestino at sa kanilang layunin.

Mahigpit din niyang pinuna ang ilang rehimeng Arabo para sa mga mapanupil na hakbang tulad ng pagkakulong, mga parusang pinansyal, tortyur at kahit na ipinapatupad na ang pagpapatapon laban sa mga nakikiramay sa mga Palestino at sa kanilang mga grupo ng paglaban.

“Habang ang ilang rehimeng Arab ay patuloy na nakikipagkalakalan sa sumasakop sa Tel Aviv, ipinagbawal ng gobyerno ng Colombiano ang pag-export ng karbon nito patungo sa 'Israel'. Ang pagtatanggol sa Gaza at ang compound ng al-Aqsa Mosque ay isang pangunahing tungkulin para sa lahat ng mga Muslim at kahit sa hidi pa Muslim. Ito ay habang ang ilan ay pabaya at ang iba ay kasabwat. Ang kapabayaan at kabiguan na tulungan ang mga inaaping kapatid nilang Palestino ay isang panganib para sa buong mundo ng Muslim at Islam," sinabi ni Seyyed Al-Houthi.

Ang Pinuno ng Ansarullah sa wakas ay nanawagan sa lahat ng antas ng lipunan ng Yemeni para pumunta sa mga lansangan noong Biyernes sa isang malakas na pagpapakita ng pakikiisa sa mga Palestino sa Gaza, sa gitna ng walang humpay na "Israeli" na mga opensiba sa lupa at sa himpapawid.

............................

328