Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Sabado

28 Setyembre 2024

3:00:12 PM
1489270

Si Seyyed Hassan Nasrallah, ang matapang at magiting na Pinuno at Kalihim Heneral ng Lebanese Hezbollah ay na-martir

Ang Kanyang Kamahalan, ang Pinuno ng Islamikong Kilusan ng mga Mandirigmang Paglaban ng Lebanese Hezbollah, ang matuwid na lingkod, ay pumanaw na sa kagalakang tahanan ng kanyang Panginoon at ang kanyang kasiyahan bilang isang dakilang martir, isang matapang, magiting na pinuno, isang matalino, matindi at matapat na mananampalataya, na sumapi sa walang kamatayan sa caravan ng mga martir na Shohadah ng Karbala sa banal na paglalakbay ng pananampalataya sa mga yapak ng mga Propeta at mga martir na imam (AS).

Ayon sa ulat, na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt -: Balitang ABNA :- Buong pahayag ng Hezbollah sa pagka-martir ni Shaheed Sayyed Hajj Hassan Nasrallah:

Sa ngalan ng Pinaka-makapangyarihang Diyos, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin


انا لله و انا اليه راجعون

"Sa pagkat ang katotohanan tayo ay nag-mula sa Kanya at tiyak sa Kanya tayong babalik"

Ang Kanyang Kamahalan, ang Pinuno ng mga Mandirigmang Paglaban, ang matuwid na lingkod, ay llumipatat pumanaw na ssakagalakang tahanan ng kanyang Panginoon at ang Kanyang kasiyahan bilang isang dakilang martir, isang matapang, magiting na pinuno, isang matalino, matindi at matapat na mananampalataya, na kung saan sumama na sa walang kamatayang caravan ng martir na Karbala sa banal na paglalakbay ng pananampalataya sa mga yapak ng mga banal na Propeta (saww) at sa landas ng mga martir na Imam, sa kanyang matuwid na landas ng Jerusalem al-Quds.

Ang kanyang Kamahalan,  na si Shaheed Hajj Sayyed Hassan Nasrallah, Pinuno at Kalihim Heneral ng Islamikong Kilusan ng mga Lebanese Hezbollah, ay sumali na sa dakila at sa walang katupusang kamatayan ng mga martir, na ang paglalakbay ay pinamunuan niya sa loob ng halos tatlumpung taon, kung saan pinangunahan niya sila mula sa tagumpay patungo sa tagumpay, na humalili sa pinuno ng mga martir ng Islamikong Rebolusyonarylng Resistance noong 1992 hanggang ang pagpapalaya ng Lebanon noong 2000 at hanggang sa banal, na nagpapanatili ng tagumpay noong 2006 at lahat ng iba pang mga labanan ng karangalan at pagtubos nito, hanggang sa kasalukuyang labanan ng suporta at kabayanihan bilang suporta sa Palestine, Gaza at sa mga inaaping mga mamamayang Palestino, sa Gaza Strip, sa Palestine.
 
Inaalay namin ang aming pakikiramay kay Imam Saheb al-Asri wa al-Zaman, Imam Mahdi (nawa'y pagpalain siya ng Diyos at bigyan siya ng kapayapaan), at ang Pinuno ng mga Muslim, na si Imam Sayyed Ali Khamenei, protektahan siya ng Diyos, ang mga dakilang iskolar ng relihiyon, ang mga Islamikong Mujahideen, ang mga mananampalataya, ang mga bansang lumalaban at gustong makamit ang kalayaan ng kanilang mga bansa, ang ating matiyaga at jihadi na mamamayang Lebanese, ang buong Islamikong Ummah, sa lahat ng mga malayang  bansa at inaapi sa mundo, at ang kanyang marangal at matiyagang pamilya.

Binabati namin ang Kanyang Kataas-taasang Kalihim ng Hezbollah, Sayyed Hassan Nasralla. Nawa'y ipagkaloob sa kanya ng Diyos ang pinakamataas na banal na karangalan, ang Orden ni Imam Hussein, sumakanya nawa ang kapayapaan, na tinutupad niya ang kanyang pinakamahalagang hangarin at ang pinakamataas na antas ng pananampalataya at dalisay na paniniwala, bilang isang martir sa landas patungo sa Jerusalem al-Quds at Palestine. Nakikiramay at pinagpapala namin ang kanyang mga kapwang martir na nakiisa sa kanyang dalisay at sagradong prusisyon kasunod ng taksil na pagsalakay ng Zionista sa mga katimugang bayan at nayon,  sa Lebanon.

Nangako ang pamunuan ng Hezbollah sa pinakamataas, pinakabanal at pinakamahalagang martir sa ating paglalakbay, na puno ng mga sakripisyo at mga martir, na ipagpatuloy niya ang jihad nito sa pagharap sa mg kaaway na Zionista, sa pagsuporta sa Gaza at sa Palestine, at sa pagtatanggol sa Lebanon at sa kanyang matatag at mga taong marangal na pananampalataya.
 
At sa kagalang-galang na mujahideen at sa mga matagumpay at matatapang na bayani ng mga mandirigmang paglaban ng Islam, kayo ang tiwala ng aming minamahal na martir, at kayo ang kanyang mga kapatid na kanyang hindi magagapi na kalasag at ang koronang hiyas ng kabayanihan at pagtubos. Ang aming pinuno, ang Kanyang Kamahalan, ay kasama pa rin natin sa kanyang pag-iisip, diwa, landas, at sagradong paraan, at ikaw ay nasa pangako ng katapatan at pangako sa mga mandirigmang paglaban at sakripisyo hanggang sa kasalukuyang tagumpay ng Kilusan.

.........................

328