Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Martes

30 Abril 2024

12:13:39 PM
1455239

Israeli Media | Maaring maglabas na ng ICC ng warrant of arrest para kay Netanyahu at sa iba pang mga Israeling opisyal

Sinasabi ng mga ulat ng Israeli media, na may posibilidad na ang International Criminal Court (ICC) ay lihim para maglalabas ng mga warrant of arrest para sa mga opisyal ng rehimeng Zionista para sa kanilang papel sa genocide laban sa Gaza Strip.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinasabi ng mga ulat ng Israeli media, na may posibilidad na ang International Criminal Court (ICC) ay lihim para maglalabas ng mga warrant of arrest para kay Netanyahu at sa iba pang mga opisyal ng rehimeng Zionista para sa kanilang papel sa genocide laban sa Gaza Strip.

Ayon sa ulat ng Martes ng umaga ng IRNA, na sumipi sa ahensya ng balita ng Palestinian Sama, sa lingwaheng Hebrew ng Israeli daily, sinipi naman ito ng Yedioth Ahronoth, na ang ilang mga opisyal ng Zionista na nagsasabing ang ICC ay maaaring lihim para mag-isyu na ng mga warrant of arrest para kay Netanyahu at ilan pang sa mga opisyal ng rehimen at malalaman lamang nila ang tungkol dito kapag naglalakbay na sila papunta sa labas ng Israel.

Ayon naman sa ulat ng Zionistang media, sinusubukan ng gobyerno ng US para pigilan ang pinakamataas na hukuman ng UN, sa "The Hague Court", para mag-isyu ng warrant of arrest para kay Benjamin Netanyahu, ang Punong Ministro ng rehimeng Zionista.

Sa kabilang banda naman, ang Hebrew-language naman, na Walla news site ay kung saan naman nagbibigay din ng ulat tungkol dito, sa walang tigil na panawagan ni Netanyahu kay Biden upang pigilan ang anumang posibleng warrant of arrest para sa kanya.

Kahit na itinanggi ng rehimeng Israel ang akusasyon ng genocide laban sa Gaza, ang ICC sa desisyon nito sa isang kaso, na isinampa ng South Africa, ay natagpuan na ito na kung saan may "makatotohanan na pala ito" na ang Israel ay nakagawa ng mga kilos para lumalabag sa Genocide Convention Law.

Ang nasabing kaso ay humantong sa isa sa mga hindi pa nagagawang paghihiwalay ng mga Zionista sa mga internasyonal na forum sa ngayon. Ang Israel ay nahaharap sa karagdagang pagpuna sa hindi pagsunod sa pasya ng ICC, na inihatid noong Enero, na may mga direktibang laban sa rehimeng Zionista.

...................................

328