Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Lunes

6 Mayo 2024

12:05:56 PM
1456511

Hinimok ng isang Tunisianong Islamikong iskolar ang mga Muslim para iwaksi ang hindi pagkakaunawaan at ipakita ang pagkakaisa bilang isang Islamikong Ummah ng Islam.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Hinimok ng isang Tunisianong Islamikong isholar ang mga Muslim para iwaksi ang hindi pagkakaunawaan at ipakita ang pagkakaisa bilang iisang Islamikong Ummah ng Islam.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga 165 mga Indonesianong perigrino sa Banal na Dambana ni Imam Reza (as) noong Mayo 1, si Dr Tijani, isang Shiah iskolar mula sa  bansang Tunis at date din siyang produkto ng

isang Unibersidad ng Sorbonne bilang isang lecturer at manngangaral na guro ay ung saan itinukoy niya ang isang Quranikong Bersikulo (at kumapit nang mahigpit sa pisi ng Allah, magkasama, at huwag magkalat. ) at sinabing: “Lahat tayo ay dapat lumipat sa landas na ito at sundin ang isang layunin. Ito ay hindi posible maliban kung susundin natin ang Qur'an at ang mga inapo ng banal na Propeta (saww)".

Binigyang-diin niya, na ang ating mahal na Propeta (saww) at ang banal na aklat ay iisa lamang, at itinuro pa niya, na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kapwang Muslim, na nagsasabing: “Ang ating hindi pagkakasundo ay nagmumula mula sa magkakaibang interpretasyon ng Qur'an. Ang mga Sunnis ay naniniwala sa Qur'an at sa tradisyon ng banal na Propeta (saww) samantalang ang mga Shiah ay naniniwala naman sa banal na Propeta (saww) at sa kanyang mga Dalisay na mga Kasambahayan. Dahil sa iba't ibang mga pananaw na ito ay kung saan naman ang mga Muslim ay humantong sa ating pagkakawatak-watak at di' pagkaka-unawa ng paniniwala sa isat-isa".

Idinagdag pa ng iskolar, na ang mga Muslim ay dapat panatilihin ang mga hindi pagkakasundo sa pinakamaliit at ipakita ang kanilang pagkakaisa bilang isa lamang Ummah.

"Pagkatapos ng napakaraming pagsasaliksik, ako naman ay kung saan nakarating sa isang konklusyon, na ang tanging paraan upang matuto ako mula sa Qur'an at mga inapo ng banal na Propeta (saww) ay si Imam Ali (as)", binibigyang diin ng lektor ng Tunisiano.

Tinapos niya ang kanyang mga pahayag sa pagsasabing: “Si Imam Ali (as), ay ang isang susi sa pagkakaisa, kaya kailangan lamang nating matuto mula sa kanya kung paano maging isang tunay na Muslim”.

....................

328